12
OCTOBER 2023
What Matters Most in Life?
“Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas.
Deuteronomio 6:4–5
May alam ba kayong tao na naharap sa kamatayan at ang huling habilin ay tungkol sa kayamanang iiwanan? Di ba pari o pastor ang ipinatatawag para mangumpisal at gayundin ang mga mahal sa buhay na nakaalitan upang humingi ng tawad?
It is sad that only when a person faces death that what matters most in life ― a loving relationship with God and family ― comes to mind. Nakasulat sa Bible na ang pinakamahalagang utos ay pagmamahal sa Diyos. Sinabi ito ni Moses sa Deuteronomio 6:4-5. Binigyang-diin ito ni Jesus. Ang sabi Niya, “Ibigin mo ang panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa. buong pag-iisip at buong lakas” (Marcos 12:30).
The relationship of Apostle Paul with Jesus was his highest priority. Sinabi niya, “Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon” (Mga Taga-Filipos 3:8).
All the good things that the world can offer pale in comparison to what God can give us ― an eternal life through and with Jesus Christ. Ganito tayo kamahal ng ating Ama sa langit: “Ibinigay Niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Ang Diyos ang unang umibig sa atin at ngayon ay nagbibigay sa atin ng kakayahang magmahal din. “Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin” (1 Juan 4:19). Ang pagmamahal natin sa Diyos ay maipadarama natin sa ating kapwa. Kaya masusunod natin ang ikalawang mahalagang utos: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Marcos 12:31). Sinabi rin ni Apostol Pedro, “Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan” (1 Pedro 4:8).
LET’S PRAY
Panginoon, patawarin po Ninyo ako kung higit kong pinahalagahan ang mga bagay sa mundong ito kaysa Inyo at Inyong pagmamahal. Tulungan po Ninyo ako, Panginoon, na maipadama ko sa iba ang Inyong pagmamahal. Amen.
APPLICATION
Gumawa ng listahan ng mga taong gustong mong maipadama ang pagmamahal ng Diyos. Pray for wisdom kung paano mo ito gagawin.