24

OCTOBER 2021

When God is Silent

by | 202110, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by M.C. Navarro

Mapayapa ako at nasisiyahan, tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay. Kaya mula ngayon, at magpakailanman, si Yahweh lang Israel, ang dapat sandigan!

Mga Awit 131:2-3

Kapag nasa kalagitnaan tayo ng unos, malaki ang naitutulong ng Salita ng Diyos. Naku-comfort tayo sa assurance na kahit kaila’y hindi Niya tayo iiwan o pababayaan (Hebreo 13:5). Pero bakit minsan, kung kailan pa kasagsagan ng problema, doon pa nagiging tahimik si Lord? Kung kailan kailangang-kailangan natin ang tulong Niya, doon pa natin hindi maramdaman ang presensya Niya.

So does this mean na pareho lang pala si Lord at ang crush mopaasa? Kalma lang, friend. Hindi ba’t Ama sa Langit ang tingin natin kay Lord? Pinapaalala sa atin ng Mga Awit 131 na ang minsang pananahimik ng Panginoon ay kasama sa pagiging mabuting magulang Niya sa atin.

Si Haring David ang may-akda ng Mga Awit 131. Dito, inihahalintulad niya ang sarili sa isang sanggol na buo ang tiwala sa Panginoon. Pero nakapag-alaga ka na ba ng baby? Would you agree that babies aren’t very trusting? Kasi iwan mo lang sila saglit, iiyak na sila. Siguro pakiramdam nila, hindi ka na babalik. So bakit ginamit ni Haring David ang mga sanggol bilang metaphor para sa relationship niya kay Lord?

Sa unang buwan ng buhay ng isang sanggol, halos every 2 hours siyang kailangan painumin ng gatas, kahit pa gabi! At kapag nakaramdam ang baby ng gutom, iiyak ito at hindi titigil hanggang hindi siya napapakain, out of fear that he has been abandoned and his needs won’t be met. It takes a few months bago matutunan ng sanggol na kailangan lang niyang maghintay at darating ang tulong na kailangan niya.

Ganito ang sanggol na tinutukoy ni Haring David sa Mga Awit 131napagdaanan na ang period of “weaning” kung saan hindi na siya nakakaramdam ng extreme panic kapag nakaramdam ng gutom. Natutunan na kasi ng baby that it might take a little time, pero darating at darating ang ina at ibibigay ang kailangan niya.

We all need to go through this period of “weaning” pati sa relationship natin kay Lord. Kailangan nating matutunan na kapag hindi Siya kaagad-agad sumagot, it doesn’t mean na iniwan at kinalimutan na Niya tayo. Gusto lang Niyang mag-grow ang trust at confidence natin sa Kanya. Sa ganitong paraan lalago ang faith natin.

Itago na lang natin siya sa pangalang Corazon. Isang araw, may nasabing medyo taliwas ang katrabaho ni Corazon sa kanya. Na-offend nang matindi si Corazon kay Maria. Ang una niyang ginawa ay lumapit sa kanyang matalik na kaibigan at naglabas ng sama ng loob. Hindi naman daw ito paninirang-puri, nagsasabi lang ng totoo. “Paki-pray mo lang,” ika pa niya, “at secret lang eto ha, atin-atin lang.”

Ano kaya ang kasunod na nangyari? Tama! Ang “sikreto” ay kumalat sa iba pang matatalik daw na kaibigan. Kaya isang barangay na ang nagtanim ng galit laban sa walang kamalay-malay na si Maria. Hindi maintindihan ng kawawang Maria kung bakit siya iniiwasan ng lahat.

Para kay Corazon, mas madali ang umiwas at maging plastik. Kaysa harapin ang itinuturing niyang “salarin,” mas mabuting siraan na lang niya ito nang patalikod. Kaso, nang sumunod na buwan, nabaliktad ang istorya. Ayon sa bulung-bulungan, si Corazon naman daw ang talagang kontrabida! Ayayay! Na-realize tuloy ni Corazon na masakit pala kung siya naman ang tinuturing na salarin.

Nangyari na ba sa iyo ito? Naging Maria o Corazon ka na ba? Aray ko po!

Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa ganitong mga sitwasyon. Sabi sa Mateo 18:15: “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid.

Naku, ang kailangan pala ay kausapin nang “sarilinan” ang inaakala mong “salarin” o nagkasala sa iyo. Pero mas mainam na palipasin muna ang galit nang mag-isa. Magmuni-muni. Mag-pray. Makinig ng mga worship music. Hindi ba minsan, tayo rin ay nakaka-offend ng iba nang ‘di natin sinasadya? Pag mas panatag na ang loob, kausapin ang naka-offend sa iyo—nang  sarilinan—nang may tunay na concern sa kanya. Speak the truth in love ‘ika nga. Mahirap itong gawin, pero with God’s grace, we will be able to do the right thing.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, alam kong mahal Ninyo ako at dahil dito, gusto Ninyo akong mag-improve at mag-grow. I will believe na mangyayari ito dahil alam kong naririyan lang Kayo sa tabi ko at sapat ang biyaya Ninyo sa akin.

APPLICATION

Gamitin ang Hebreo 10:23 bilang reminder kung bakit puwede nating panghawakan ang pangako ng Panginoon na hindi Niya tayo pababayaan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 13 =