22
DECEMBER 2022
When Wise Men Worship
Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata.
Mateo 2:10–11a
Si Baby Jesus, si Mary at Joseph, ang shepherds, sheep, ang bituin at ang tatlong hari — ang mga ito ang madalas na bumubuo sa belen tuwing Pasko. Pero kung babasahin natin sa Matthew 2:1–12 ang kuwento, hindi hari ang tawag sa kanila kundi Magi o mga pantas, mga dalubhasa sa pag-aaral ng mga bituin. Many archeologists believe that they are descendants of Seth, the third son of Adam, at mga tagapag-alaga ng isang age-old prophecy, na balang araw ay may bituing lilitaw sa langit na ang ningning ay katangi-tangi at magbabalita sa pagkakatawang-tao ng Diyos.
Tatlo nga ba sila? Sabi sa kanta three kings, ‘di ba? Oo, tatlo ang dala nilang special gifts pero kung susuriin natin ang Salita ng Diyos, hindi nakasulat kung ilan talaga sila. Pero hindi naman mahalaga kung ilan sila. Ang mahalaga ay ang halimbawa na kanilang iniwan; how they went on a faith journey to find the newborn King at ang kanilang mainit na pagtanggap at pagbibigay–pugay sa Anak ng Diyos. From them, we can learn about worship and seeking God.
Una, worshipping and following Christ involves time and sacrifice. Iniwan nila ang comforts of their homes to go on a long, risky journey. Are we as committed in seeking Christ? Madalas, distraction lang ang kailangan nating igive-up para magka-oras tayo to seek the Lord and worship Him. Naghihintay lang Siya. Tapos, the magi did not come empty-handed. They came to bless God. Meron silang dalang offering of gold, frankincense, and myrrh in honor of the King.
Pangalawa, hindi sila nagmamadali at hindi sila sumuko. They showed patience, and they were rewarded. Sabi sa Matthew 2:10 na ganoon na lamang ang kanilang kagalakan! They came to bless the Child pero sila ang na-bless. Worship brings joy and benefits us with the greatest blessing — God’s Presence.
Pangatlo, the object of their worship was Jesus Christ Himself. Sabi sa Matthew 2:11 na nang makita nila ang bata sa piling ni Maria, nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Alam ng mga magi who is truly worthy to be worshipped with all our heart!
At ang huli, ang tunay na worshipper ay obedient sa Panginoon. Nakatanggap sila ng warning sa isang panaginip na huwag nang bumalik kay Herod at sila ay sumunod.
Mga pantas ba sila or mga hari? One thing is for sure, they were indeed wise men who have shown us what worship is all about.
LET’S PRAY
Panginoon, make me wise like the wise men. Give me a heart of worship like theirs. Hinanap ka nila ng buung-buo at hindi sila nabigo. Gusto ko rin maranasan ang kagalakan na kanilang naranasan. Make me a true worshipper. Amen.
APPLICATION
Pray and reflect on these questions:
SHARE THIS MEME
