23

JULY 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Written & narrated by Honeylet Venisse A. Velves

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Mga Kawikaan 18:21

Darl grew up hearing people making comparison between her and her sister Kat. Maitim daw siya habang maputi naman ang kanyang kapatid. Mas bibo daw si Kat habang si Darl naman ay tahimik. Dahil sa mga salitang ito, hindi siya naging close kay Kat. Inisip niyang hindi niya mapapantayan ang kanyang kapatid. Nalimitahan din maging ang pagsali niya sa mga programang makakapagpahasa pa sana ng kanyang talento sa performing arts.

One day, nakausap niya ang teacher nila. Ayon sa kanyang teacher, Kat actually looked up to her because of her accomplishments. After hearing this, she realized that she and her sister are two different persons with different qualities and strengths. Mahusay ang kapatid niya sa pagsasayaw at sports, pero magaling naman siya sa pagkanta at academics. Simula noon, she started honing her talents. Nabago na rin ang pagtingin niya sa kanyang kapatid. Ngayon, bestfriends na sila ng kanyang sister.

Sa kuwentong ito, may dalawang bagay tayong mapapansin. Una, negative words hinder us from achieving great things. Just like Darl, naapektuhan ang paglago niya at pag-develop ng kanyang talento. Naapektuhan din ang relasyon niya sa kanyang kapatid dahil sa hindi magandang salitang narinig niya.

May naririnig ka rin bang negative words? Ilang beses ka na bang nagpalit ng damit dahil sinabihan kang mukha kang mataba sa suot mo? O baka naman hindi ka tumuloy sa pangarap mong kurso dahil may nagsabing hindi mo kaya? Negative words can greatly affect both small circumstances and life-changing events of our lives.

On the other hand, positive words produce positive results. Simula nang marinig ni Darl ang positibong salita mula sa kanyang teacher, na-heal ang kanyang sugatang puso. Naayos ang relasyon niya sa kanyang kapatid, at naging magaan ang pagtanggap niya sa kanyang sarili. Dahil dito, mas naging maayos ang performance niya sa school na nadala niya hanggang sa pagtratrabaho.

Marami sa atin ang nakakaranas ng naranasan ni Darl. Kung nararanasan mo rin ito, learn to speak the truth of God’s Word. Be positive instead of negative. Utter words of good health and prosperity. Declare victory and favor through Jesus Christ. Speak life, not death.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sa mga pagkakataon na mahirap ang sitwasyon, I choose to speak the truth according to Your Word. Salamat that through Jesus Christ, I am blessed. I have good health at maging ang relationships ko sa aking kapamilya at mga kaibigan ay healthy din. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Encourage a family member today through text or call. Declare a blessing. Speak life to them using God’s Word. Also, share the meme on this page and enlighten someone today!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 14 =