30

JULY 2021

Better than Google Translate

by | 202107, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Beng Alba-Jones

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.

Mga Taga-Roma 8:26

Nakapunta ka na ba sa ibang lugar kung saan ang lengguwaheng ginagamit nila ay iba sa alam mo? You try your best to communicate with the locals pero hindi kayo magkaintindihan. After much effort and the use of hand signals, the other person finally gets what you are trying to say. Nakaka-frustrate, ‘di ba?

Kapag nagbabasa ka naman and you come across a statement said in a foreign language, you turn to Google Translate for help. At best, it can translate word for word pero kadalasan, nami-miss nito ang totoong essence ng sentence. Artificial intelligence isn’t so intelligent after all.

Aren’t you glad that we don’t have to deal with this communication breakdown when we pray? Sa mga panahong wala tayong masabi kundi umiyak, the Holy Spirit translates our prayers for us. Kung wala tayong magawa kundi maghinagpis o dumaing, makakarating pa rin ito sa langit bilang panalangin. Hindi lang word for word ang ginagawa Niyang pagsasalin, kundi puso sa puso. Ang ating Ama, na alam kung ano ang nasa puso ng lahat, ay makakaintindi sa sinasabi ng Holy Spirit. The Third Person of the Trinity is our Divine Translator, infinitely better than any app available, or even Google Translate. He speaks on our behalf and understands perfectly what we want to say. Kaya kahit hindi mo alam kung anong sasabihin, pray anyway. Makakasiguro kang maririnig—at maiintindihan—ka ng Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

My Heavenly Father, thank You for sending our Advocate, the Holy Spirit. Gumagawa Kayo lagi ng paraan para maabot ko Kayo. Search through my heart, Lord, habang nakikinig Kayo sa panalangin ko.

APPLICATION

Don’t let your inability to put your prayers into words keep you from praying. Subukan mong mag-pray in a different way. Cry, sing, dance, or gawin ang kahit na ano habang ang puso mo ay nakatuon sa langit. You can also choose to stay silent habang hinihiling sa Diyos na salain kung ano ang nasa puso mo hanggang sa mangibabaw kung ano talaga ang laman nito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 9 =