31
JULY 2021
Buo na Muli
“Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.”
Mateo 5:3
May mag-amang nagsho-shopping sa mall at habang naglalakad ay ‘di namalayan ng ama na nabasag ng anak niya ang mamahaling ceramic vase na naka-display. The vase crashed to the floor and broke into pieces. Natakot ang bata. Pero binayaran na lang ng ama ang mamahaling vase sa cashier kaya naalis na rin ang takot ng kanyang anak. Kinuha ng ama ang mga piraso ng mamahaling vase at dinala sa isang art restoration and repair center. Nang balikan niya ito laking gulat niya sa naging bagong hitsura ng vase. The broken pieces were turned into a whole new vase, and it is more beautiful than before.
One way or another, we have experienced brokenness. Naging brokenhearted tayo because of a broken relationship. Naging produkto tayo ng broken home. Nabigo dahil sa broken dreams. Nasaktan dahil sa broken promises. Nalugi at ngayon financially broke. Do you feel beyond repair at this time? Kung nakakaranas ka ng brokenness ngayon, don’t think that you are being swept to be disposed in the trash. God can heal and redeem you. There is a loving God na kaya kang buuing muli. In fact, He can create something new, more valuable, and precious out of your brokenness.
Jesus offers salvation to broken people—mga taong wasak at walang-wala na talaga dahil sa kasalanan. Siya ang Restorer ng mga nawalan ng pag-asa sa buhay. Sabi Niya, “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit” (Mateo 5:3). Kung brokenhearted ka, lumapit ka kay Jesus. You will be made whole by His unconditional love.
LET’S PRAY
Dear God, thank You for Your salvation. I accept your free gift of salvation. Wala akong ibang inaasahan kundi Kayo. Thank You that You have forgiven me from all my sins, and You’re making me whole. Ang mga bagay na nawala sa akin, kaya Ninyong ibalik. In the powerful name of Jesus, Amen.
APPLICATION
Aside from being the recipient of restoration, be the dispenser of God’s love and restoration also. Share to your family and friends what God has done in your life today.