19

AUGUST 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Deb Bataller

Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo’y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.  

Mga Taga-Efeso 4:26

Kung Avengers fan ka, siguradong kilalang-kilala mo si Hulk, ang giant green monster na may pambihirang lakas. May dalawang pagkatao si Hulk. Kapag siya ay mahinahon at masaya, isa lang siyang normal na tao at kilala siya bilang si Doctor Bruce Banner. Pero kapag siya ay nagagalit, biglang nagtra-transform ang mabait at mahinahon na si Dr. Bruce sa isang galit na higanteng monster na si Hulk. At kapag lumabas na si Hulk, magtago na ang lahat dahil wala siyang pinipiling saktan at sirain. Kapag nagalit si Hulk, walang nakakapigil sa kanya na ilabas ang kanyang galit. 

Nakakatakot, di ba? Pero kung titingnan natin, may pagkakapareho tayo kay Hulk. Para tayong may dalawang personality. Isang mabait at mahinahon na side at isang angry monster side. Maraming tao ang nasi-switch on ang Hulk Mode kapag sila ay nagagalit—biglang nagtra-transform ang ugali, nawawala sa sarili, at nagiging “monster,” in a way.

Halos araw-araw din ay may napapanood tayo sa balita na mga krimen na bunga ng sobrang galit. Maraming tao ang napapahamak nang dahil sa galit—nakakapanakit ng kapwa, nakakapatay, at nakakasira ng mga gamit.  Marami ring masasakit na salita ang nabibitawan at mga relasyong nasisira nang dahil lang din sa galit.

Kaya pala sinabi sa Bible na “kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo’y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo” (Mga Taga-Efeso 4:26). May mga pagkakataon na tamang magalit, pero maging maingat tayo na huwag lumabis ang galit. Iba kasi talaga ang epekto ng galit sa atin, at kapag hindi natin natutunan kung paano i-handle nang tama ang ating mga galit, tayo ay maaaring makasakit, mapahamak, at magkasala.

 

Kung titingnan natin ang buhay ni Jesus, makikita natin na naging maingat siya sa galit. Very few ang instances na binanggit sa Bible na nagalit si Jesus. At kapag nagagalit Siya, ito ay nasa lugar at hindi Siya nananakit ng ibang tao. Alam ni Jesus na ang galit ay isang dangerous emotion kaya naging lifestyle Niya ang maging mahinahon at mapagtimpi. Hindi kasama sa character ni Jesus ang pagiging magagalitin. Rather, ang sabi sa Bible, He is slow to anger and abounding in love. Nawa ay maging kagaya tayo ni Jesus, at hindi ni Hulk, pagdating sa pag-handle ng ating mga galit.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, help me to be slow to anger and slow to speak just like You. Bigyan Ninyo ako ng self-control at gentleness sa mga oras na gusto ko nang magalit. I surrender to You and ask that You fill my heart with love. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Iwasan ang magsalita kapag galit. Subukang umiwas sa arguments at magsalita lagi nang mahinahon. Huminga nang malalim at manalangin.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 4 =