21

OCTOBER 2021

Sino ang Tunay na Anak?

by | 202110, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Deb Bataller

Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Juan 1:12

Mateo 18:15

Madalas natin mapanood sa mga TV drama ang tungkol sa illegitimate children o mga anak sa labas. Sa mga kuwento, sila ang mga anak na madalas hindi katanggap-tanggap, kinakawawa, hindi binibigyan ng karapatan, at hindi nakakatanggap ng mana at aruga ng kanilang magulang. Hindi kasi sila “tunay” na mga anak. At kahit sa totoong buhay, hindi man palagi, pero nangyayari rin ito.

Walang sinuman sa atin ang gustong maging anak sa labas. Siyempre, lahat ng tao ay gustong mapabilang sa isang pamilya, at matawag na tunay na anak na dala ang apelyido ng kanyang ama. Bakit? Because we were created to belong and to build relationships. Deep inside, we have this desire and yearning to be identified as sons and daughters of parents who will call us their own. To put it simply, we were created by God to be part of a family.

Hindi lang tayo nilikha ng Diyos na may biological parents. Una sa lahat, God longs for us to accept Him as our Father and be part of His spiritual family. Maraming tao ang nag-aakala na sila ay automatically anak na ng Diyos dahil nilikha sila ng Diyos. Pero alam mo ba na hindi lahat ng tao ay anak ng Diyos? This may sound shocking to you kung first time mo ito maririnig. Pero, it’s the truth. Totoo na lahat ng tao ay ginawa ng Diyos, pero hindi lahat ng tao ay anak na ng Diyos.

Ang sabi sa Juan 1:12, “Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.” Two words: tumanggap at sumampalataya. Ito pala ang kailangan para magkaroon tayo ng karapatang maging anak ng Diyos. Kailangan lang pala natin Siyang tanggapin sa ating puso at ilagay ang ating pananampalataya sa anak ng Diyos na si Jesus.

Hindi mo kailangang magpakahirap para mapabilang sa pamilya ng Diyos. His Son Jesus made a way for us to come to the Father. Kung tinanggap mo na si Jesus as your Savior, then congrats! Isa ka nang legitimate child of God! That means you are loved and accepted. You have access to all the spiritual blessings na para sa anak ng Diyos. Hindi ka kawawa at walang sinumang aapi sa iyo dahil tunay na anak ka ng Diyos.

Kung hindi mo pa kinikilala si Jesus as Savior and as the only way to the Father, may I invite you to say this prayer?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord God, salamat na binibigyan Ninyo ako ng karapatan ngayon na maging anak Ninyo by receiving and accepting Your Son Jesus. Jesus, I believe that You are the only way to the Father. Thank You, Father God, that I am now Your child. Amen.

APPLICATION

Gamitin ang iyong God-given right as His child. Humingi ka kay Father God nang may confidence, boldness, and gratitude dahil anak ka Niya! Swipe left to go to your Prayer List and start praying!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 3 =