14

DECEMBER 2021

Hugot pa More kay Lord!

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Thelma A. Alngog

Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.

Mga Awit 29:11

Isang student ang hindi na kinaya ang mga problemang kanyang kinakaharap sa buhay. Tinangka niyang magpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Naisip pa niyang mag-iwan ng isang suicidal note sa kanyang mga magulang na ang nakasulat ay, “Sa wakas, matatapos na rin ang aking paghihirap. Paalam sa lahat ng nagmamahal sa akin.”

Pero hindi lang students ang gumagawa nito, mismong teachers din. May previous report tungkol sa pagtaas ng rate ng suicide among public school teachers na nagco-commit ng suicide. It is allegedly due to the heavy workload at school, or due to depression. The rise of reports on suicide in the country, in general, is so alarming.

When you feel weak and burnt out, remember that your strength comes from the Lord. Sa Kanya ka humugot ng lakas at tibay ng loob dahil ipinangako Niya na nagbibigay Siya ng kalakasan at kapayapaan. Kaya hugot pa more ng strength kay God because the battle is not yours, it’s the Lord’s!  You don’t need to give up. Kapag may battle, ipagtatangol ka Niya. Kapag nanghihina, palalakasin ka Niya. Kapag may problema, bibigyan ka Niya ng solution. Kapag may pagsubok, ie-encourage ka Niya. Magtiwala ka na may magandang plano ang Diyos sa buhay mo. Huwag padaig sa nakikita mong problema sa ngayon. Lumapit at kumapit sa Diyos. In the first place, hawak ka na Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord salamat po sa maganda Ninyong pangako na sa tuwing naghihina kami, Kayo ang aming kalakasan at kapayapaan. We will always remember that our strength comes from You. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Take time to pray for people na alam mong nanghihina. You may also click the Share button to encourage someone who needs God’s Word today.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 4 =