13

DECEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Precious Marian Calvario

Kay Yahweh tayo’y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!

Mga Awit 27:14

Masarap ang nilaga lalo na kung napakalambot ng karne at halos humihiwalay sa buto-buto ang laman. Malinamnam ang sabaw na may kasamang mga sariwang gulay. Ihahain kasama ng mainit na kanin kasabay ang sawsawang patis o kaya’y toyo’t kalamansi na may siling labuyo. Pero ang ganitong klaseng luto ng nilaga ay hindi basta-basta. Gamit ang sinaunang pamamaraan, ilang oras na pinapakuluan sa kalan na may gatong na kahoy para lumambot nang tamang-tama ang karne at maging malasa nang husto ang sabaw. Kaya kasabihan ng mga nakatatanda, “Kung may tiyaga ay may nilaga.” Aba, ay kung ganito naman kasarap ang nilagang pang-tanghalian o hapunan mo, willing to wait ka ba?

Pero alam mo bang higit pa sa masarap na nilaga o magagandang bagay dito sa mundo ang inilaan sa atin ng Panginoon? Makikita at malalasap ang Kanyang kabutihan ng mga nananalig sa Kanya (Mga Awit 34:8). Makakaasa tayo na kapag lumapit tayo sa Kanya at nanalangin ay diringgin Niya tayo (Jeremias 29:12). At sa mga panahong tila pinaghihintay tayo ng Panginoon, magtiwala tayo na alam Niya ang makakabuti sa atin (Isaias 55:9). Marahil ay tulad ng nilaga ay metikulosong inihahanda ng Panginoon ang pagkakataon, sitwasyon, mga tao sa paligid at higit sa lahat ay ang ating karakter at puso para tanggapin ang blessing na nakalaan sa atin. Maging “willing to wait” tayo. “Kay Yahweh tayo’y magtiwala! Manalig sa Kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!” 

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, pinupuri namin Kayo sapagkat Kayo ay mapagkakatiwalaan. Alam Ninyo kung ano ang makakabuti sa amin. Kaya naman sa aming paghihintay, bigyan Ninyo kami ng katatagan ng pananampalataya at patuloy na manalig sa Inyo. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Isulat sa iyong Prayer List ang iyong prayer requests. Papurihan at pasalamatan ang Panginoon dahil ngayon pa lang ay hinahanda na Niya ang sagot sa iyong panalangin. 

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =