15

DECEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak na sisidlan lamang tulad ng mga palayok, upang ipakilalang ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin.

2 Mga Taga-Corinto 4:7

Noong unang panahon, ang mga palayok ay karaniwang gamit sa mga bahay katulad ng palanggana at tabo, na common pa rin naman sa ngayon. Di kaakit-akit ang anyo, gawa sa putik, madaling mabasag, madaling palitan. Ang laking difference sa mga mamahaling Murano glass mula sa Italy na gawa ng masters of glass making kaya itinuturing na art pieces.

Bakit kaya tayo ipinaris ni Apostle Paul sa palayok at hindi sa Murano glass? Dahil gaya ng palayok, we are frail. Kung may quality inspection, madidiskubre ang ating mga kahinaan, kasalanan, sugat, karamdaman, at kakulangan. Hindi tayo perfect. At kung doon tayo magfo-focus, maiisip natin na hindi tayo katanggap-tanggap kay Lord. Pero dahil sa Panginoong Jesus na nagpalaya sa atin mula sa tanikala ng kasalanan at kadiliman, naging katanggap-tanggap tayo kay Lord. At tanging ang pag-ibig Niya ang nakakapagpabago sa atin to live for His glory.

Katulad na lamang ni Fanny Crosby na sumulat ng awiting “To God Be the Glory.” Isa siyang bulag na nakapagsulat ng more than 9,000 hymns! Imbes na magalit at maging bitter sa Diyos, hinayaan niyang hubugin siya ng Dakilang Magpapalayok. Naglingkod siya bilang sisidlan para magamit ng Diyos sa marangal na paraan. Minsan, may isang gentleman na naawa sa kanya dahil bulag siya. Pero namangha siya sa sagot ni Fanny. Ikinagagalak ni Fanny ang kanyang pagiging bulag dahil balang araw pagpasok niya sa heaven, ang unang mukhang makikita niya ay mukha ng Kanyang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus!

Kapwa ko palayok, kahit ano pa ang anyo natin, kahit ano pa ang ating nakaraan at  kasalukuyan, magpasakop tayo sa Dakilang Magpapalayok. Hayaan nating hubugin at gamitin Niya tayo ayon sa Kanyang kalooban para makita ang Kanyang dakilang kapangyarihan!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Diyos na Dakilang Magpapalayok, sa Inyo at hindi sa akin ang lahat ng papuri at pasasalamat! Naniniwala akong maganda ang plano Ninyo para sa akin. Hubugin Ninyo ako, at baguhin para sa katuparan ng Inyong mga banal na layunin sa buhay ko.

APPLICATION

Isa-isa mong isuko sa Diyos ang iyong mga kahinaan sa pamamagitan ng panalanging ito: Lord, I surrender my _________ (identify weakness). Sa kabila nito, gamitin Ninyo ako para sa Inyong kapurihan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 9 =