16

FEBRUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Joshene Bersales

Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan.

Awit 118:22

Hindi naging madali ang buhay ni Jesus dito sa mundo. Paulit-ulit Siyang ni-reject ng mga tao: hindi lamang ng mga di-kakilala, kundi pati ng mga taong nagsabing they love Him. Mula sa kanyang pamilya (“Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi nananalig sa kanya,” Juan 7:5), hometown (“At siya’y hindi nila pinaniwalaan,” Mateo 13:57), hanggang sa mismong mga alagad Niya (“Pakatandaan ninyo: ako’y pagtataksilan ng isa sa inyo,” Juan 13:21) — lahat sila’y ni-reject Siya. Pero ang pinakamasakit yatang rejection na naranasan ni Jesus ay ang rejection mula sa Ama. Iyak Niya mula sa krus, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46). Upang iligtas tayo, kinailangan Niyang pansamantalang mahiwalay sa Ama at pasanin ang lahat ng kasalanan sa mundo.

Pero hindi rito nagtatapos ang kwento. After three days, nabuhay muli si Jesus at matagumpay na binayaran ang parusa para sa mga kasalanan natin. And because of this, guaranteed ang pagtanggap sa atin ng Diyos, once tanggapin natin si Jesus bilang ating Tagapagligtas.

Naranasan mo na bang ma-reject ng mga tao sa paligid mo? Maaaring na-reject ka ng iyong mga magulang, kaibigan, o kaopisina. Rejection hurts. It affects our self-esteem and how we look at ourselves. Whenever we feel rejected, may we find comfort in the knowledge na naranasan din ito ni Jesus. He feels our pain. He’s been there. At kung lalapit tayo sa Kanya, hinding-hindi Niya tayo ire-reject. He will always accept and love us unconditionally.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, nasasaktan ako tuwing may nagre-reject sa akin. Whenever I feel rejected, ipaalala Ninyo sa akin na lagi Kayong nandyan, handa akong tanggapin for who I really am. Amen.

APPLICATION

When was the last time you felt rejected? Ikwento kay Jesus ang lahat ng iyong naramdaman dahil sa rejection na ito. Pagkatapos ay isama sa iyong Prayer List ang mga taong nang-reject sa iyo. Swipe left to use the Tanglaw prayer list.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 1 =