18

DECEMBER 2021

Ang Disiplina ng Diyos

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Michellan Alagao

Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo’y huwag mong ipagdamdam.

Job 5:17

May isang bata na medyo malikot. Isang araw, natamaan niya ‘yung vase ng lola niya at nabasag ito. Sa sobrang takot, tinago niya ‘yung mga basag na piraso ng vase. Pagkatapos ng ilang araw, dahil sobrang guilty na siya, inamin niya sa lola niya ang nangyari. Ayun, nagalit ang lola niya. Pero hindi ito nagalit dahil nabasag ang vase. Nagalit ito dahil hindi sinabi kaagad ng bata ang nangyari. Sabi ng lola niya, “Paano kung nasugatan ka pala at hindi ko alam? Huwag na huwag kang magtatago ng ganyang impormasyon ulit!”

Kailan ka huling dinisiplina ng iyong magulang? Nagalit ba sila? Pinalo ka ba nila o sinigawan? Naalala mo ba kung ano ang iyong ginawa at kung bakit ka nila dinisiplina? Ang disiplina na galing sa mga magulang na nagmamahal sa atin ay para sa ating kapakanan. Ginagawa nila ito upang maiwasan natin ang pagkakamali at nang hindi na tayo lalong masaktan balang araw.

Lahat tayo ay nakaranas ng pagdidisiplina mula sa mga nakakatanda sa atin noong bata pa tayo. Pero paano na ngayon? What if may nagawa kang masama, o nagkasala ka? Ayon sa Hebreo 12:5-6 ang Diyos ay isang Ama na nagdidisiplina sa mga minamahal Niya. “Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo’y huwag mong ipagdamdam” (Job 5:17). Kaya huwag kang matakot sa disiplina Niya at huwag mo rin itong ikasama ng loob. Mahal tayo ni Lord kaya minsan, kailangan natin ng disiplina. Concerned siya sa atin kaya Niya tayo dinidisiplina.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sa mga time na ako po ay nagkasala, salamat sa Inyong pagpapatawad. Tulungan po Ninyo akong tanggapin ang pagtutuwid Ninyo. Help me remember na mahal na mahal Ninyo ako, kung kaya’t dinidisiplina Ninyo ako.

APPLICATION

Puwedeng gamitin ng Diyos ang ibang tao para magdisiplina sa atin, tulad ng magulang, pastor, at spiritual ate o kuya. Kung nagdaramdam ka sa Panginoon o sa mga taong ginamit Niya para magdisiplina sa iyo, hingin mo sa Panginoon na tanggalin Niya sa iyo ang ganitong pakiramdam at magpasakop ka sa kanila. Kung may kilala kang spiritual brother or sister na nangangailangan ng disiplina, at meron kang leading from the Lord na pagsabihan siya, sabihan mo siya nang may pagmamahal.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 9 =