13

AUGUST 2021

Answered Prayer Nga Ba?

by | Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Joshene Bersales

Panginoong Yahweh, kayo’y tapat at tumutupad sa mga pangako ninyo sa akin.

2 Samuel 7:28

“Lord, give me patience today,” panalangin ni Zhet bago siya tumayo sa kama. Monday na naman kasi, at hindi niya talaga gusto ang Mondays.

Pero parang nothing is going her way. Nadulas siya sa kusina kasi umihi sa sahig ang aso niya. Nadiskarga ang battery ng kotse niya kaya napilitan siyang mag-commute to work. Pagdating sa office, nalaman niyang may pumutok na fuse sa building kaya walang kuryente ang buong floor nila. Umiyak siya pag-uwi, “Lord, sabi ko give me patience, not problems!”

Have you ever prayed for something tapos iba ang sagot ni Lord? Nanghingi ka ng financial help, biglang may required OT sa work. Gusto mong maging mas loving, biglang nag-message ‘yung kinaiinisan mong pinsan para mangutang. You asked God to heal your broken heart, biglang tumawag ang ex mong nang-ghost sa iyo.

Nakakapikon minsan ang sense of humor ni Lord, ‘no? Imbes na tulungan ka, parang mas pinapalala pa Niya ang sitwasyon. Pero sa Jeremias 29:11, malinaw na alam ng Panginoon ang mga plano Niya para sa atin, “mga planong hindi [natin] ikakasama kundi para sa [ating] ikabubuti.” At tapat Siya sa Kanyang mga pangako. He has promised good things to His servants (2 Samuel 7:28), and He will make good on those promises.

’Yung OT sa work? Para ito tapusin ang isang project na magdadagdag sa year-end bonus ninyo. ’Yung pangungutang ng pinsan mo? Way ito para maging generous, and to express God’s love by sharing God’s message of salvation. At ‘yung pagtawag ni ex, it’s to ask forgiveness for breaking your heart.

Hindi ba sinasagot ni Lord ang mga panalangin mo? Think back to all that has happened to you. Lahat ng unexpected blessings. Mga pagkakataon na na-test ang fruit of the Holy Spirit na nasa iyo. Chances are, God has answered your prayers. Kailangan mo lang tingnang mabuti kung paano Niya sinagot ito.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po na maganda ang mga plano Ninyo para sa buhay ko. Salamat sa pagtupad sa mga pangako Ninyo. Amen.

APPLICATION

Balikan ang iyong Prayer List. Praise God for the answered prayers! Sa items na hinihintay mo pang masagot, remind yourself that God is faithful at tutuparin Niya ang mga pangako Niya. Let this encourage you to keep on filling your Prayer List.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 14 =