12
AUGUST 2021
Huwag Sayangin ang Pagkakataon
Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak.
2 Pedro 3:9b
Remember the prophet Jonah? Pinadala siya ng Panginoon para magbigay ng warning: “Gugunawin ang Nineve pagkaraan ng apatnapung araw!” (Jonas 3:4b) Naniwala ang mga taga-Nineveh at nagsisi sila sa kanilang mga kasalanan. Because of this, God withheld His judgment on the city.
Fast-forward to a century later. Balik sa dating gawi ang mga taga-Nineve. Baka nga naging mas malala pa ang bagong generation. Nagpadala ulit ng messenger ang Panginoon: ang propetang Nahum. This time, wala na silang chance para magsisi. D-Day na agad: Destruction Day. Pahayag ng Panginoon: “Malilipol ang lahi ninyo, wala nang magdadala ng inyong pangalan; aalisin ko sa mga templo ng inyong mga diyos ang mga imahen na nililok ng kamay. Ipaghahanda ko kayo ng libingan sapagkat wala kayong karapatang mabuhay” (Nahum 1:14). Sinayang ng mga taga-Nineveh ang pagkakataong ibinigay sa kanila ng Panginoon. Dahil dito, their city was destroyed, their lives forfeited.
After sending so many prophets, finally, ipinadala na ng Diyos ang Anak Niyang si Jesus mismo para ipangaral ang pagsisisi (Mateo 4:17; Lucas 5:32), at ialay ang sarili bilang kabayaran sa ating mga kasalanan (Marcos 10:45). Pag-ibig ang nag-udyok sa Diyos para gawin ito. Ganito ang sabi ng Juan 3:16: “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Sa totoo lang, ayaw ng Diyos na may sinumang mapahamak. Pinatotohanan ito ni Pedro nang sabihin niyang, “Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak” (2 Pedro 3:9b).
Ilang beses na ba tayong nagpabalik-balik sa ating pet sins? Whether it’s lying, pornography, or some little sin na feeling natin walang nakakaalam, nakikita ito ni Lord. At hindi Siya natutuwa kung paulit-ulit nating ginagawa ito. Mahal tayo ng Diyos kaya binibigyan Niya tayo ng chance na magsisi at tumalikod sa kasalanan. Huwag nating sayangin ang pagkakataon. Magsisi na tayo bago pa may masamang mangyari.
LET’S PRAY
Lord, inaamin ko po at pinagsisihan ang mga kasalanang pauli-ulit kong ginagawa. Salamat po, Jesus, na inalay Ninyo ang buhay Ninyo para tubusin ako sa kasalanan. Naniniwala ako at nagpapasalamat ako na pinagbayaran at pinatawad na Ninyo ang aking mga kasalanan. Ayoko nang balewalain ang inyong pagpapasensya sa akin. So by your grace, help me to live according to your will. Amen.
APPLICATION
Kailangan mo ba ng makakausap at mahihingan ng payo tungkol sa kasalanang nais mong talikuran? I-click ang icon na “Chat with Us” para maka-chat nang live ang ating prayer counselor.