4

OCTOBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Binoy Sadia & Written by Maria Rita Ilya M. Magallona

Sa taong mayabang, ako’y naiingit nga, at sa biglang yaman ng mga masama. Samantalang ako, malinis ang palad, hindi nagkasala’t lubos na nag-ingat, at aking natamo’y kabiguang lahat. ‘Di ko maunawa, para akong tanga, sa iyong harapa’y hayop na kagaya. Gayon pa ma’y sinamahan mo ako, sa aking paglalakad ay inakay mo.

Mga Awit 73:3, 13, 22-23

Bakit kaya kung sino pa ang mayayabang, mga mandaraya, at mga mapang-api, sila pa ang mga yumayaman at gumaganda ang buhay? Samantalang ang mababait, mga gumagawa ng mabuti, at mga matulungin ay hirap sa buhay at hindi sigurado kung sa makalawa ay may pambili sila ng pagkain o pambayad sa kuryente. Unfair, ’no? Lalo na kung sa tingin mo naman ay isa ka sa “good guys” pero puno ng problema ang buhay. Gagatungan pa nilang masasama ang kalagayan natin sa pamamagitan ng panlalait.

Naiinggit ka ba sa kanila? Ako rin. At ganoon din ang marami sa ating nagsisikap na mamuhay ayon sa will ni Lord. Marami sa atin ang nagtatanong, tulad ni Asaph na sumulat ng Mga Awit 73, “Para saan pa na nagpapakabuti ako? Mas maganda sana ang buhay ko kung katulad ako ng masasama” (vv. 13-14, 3-12).

Pero mabuti at matuwid ang Diyos. Kita Niya ang lahat ng ginagawa ng masasama at hindi Niya hahayaang magpatuloy ang kanilang kasamaan. Ang sabi ng Mga Awit 37, “Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila. Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain” (Mga Awit 37:1-3). Sa huli, mananaig ang katarungan Niya.

Hindi masama ang maghangad ng magandang buhay. Hindi masamang mangarap ng isang maunlad na buhay. Ang Panginoong Jesus mismo ang nagsabi, “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap” (Juan 10:10). Ang masama ay ang tularan ang mga yumayaman dahil sa maling paraan at isiping walang halaga ang pagsunod sa kalobaan ng Diyos. Kumapit tayo kay Lord at magsumikap ayon sa tamang paraan. Iwasan nating mainggit. Sa Diyos natin hanapin ang kaligayahan, at makakamit din natin ang ating pangarap sa buhay (Mga Awit 37:4).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, inaamin kong may kinaiinggitan ako. Salamat sa Inyong paalala na ang gusto Ninyo para sa akin ay masaganang buhay. Hinihiling ko na ipakita Ninyo sa akin na may saysay ang pagtitiwala at pagsunod ko sa Inyo. More than that, itanim Ninyo sa puso ko na Kayo ang pinakamahalaga sa buhay ko. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

I-lista mo ang isang bagay na kinaiinggitan mo sa iba. Sa kabilang banda, ilista mo rin ang mabubuting bagay na meron ka. Iwaksi mo ang inggit at paniwalaan na ang ibinibigay sa iyo ni Jesus ay masaganang buhay.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 12 =