17

SEPTEMBER 2021

Blessed, Hindi Masuwerte

by | 202109, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Erick Totanes & Written by M.C. Navarro

Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya’y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Mga Awit 100:5

Isa ka ba sa mga taong may talent sa pagpili ng pinakamabagal na linya sa fast food o sa grocery? Kahit na inanalyze mo ang choices (“Mas konti ang laman ng mga cart ng nakapila rito, kaya dito na rin ako!”), may mangyayari’t mangyayari na delay. Mamamalayan mo na lang, hindi ka na umaandar habang nagmimistulang express lane ang linya sa tabi mo. O kaya ganito: Sabay-sabay kayong nag-try na magbook ng TNVS o taxi ng mga kabarkada mo, pero ikaw lagi ang naka-cancelan kaya lagi kang huling nakakauwi.

When you look at other areas of your life, parang ganoon din. Ang mga batchmate mo, ilang beses nang na-promote. Parang lagi silang nasa right place at the right time. Pero ikaw, kahit ano pang page-effort ang gawin mo, hindi umuusad ang buhay mo sa direksyon na gusto mo.

More than once, may nagsabi na sa iyo, “May mga taong masuwerte lang talaga.” Minsan, gusto mo nang mag-agree sa statement na ito. Minsan, tempted ka nang tanungin, “Lord, bakit para sa ibang tao, ang dali ng lahat? The right things just seem to happen for them nang walang kahirap-hirap. Pero sa akin, hindi ganoon. Hindi ba Ninyo ako favorite, Lord?”

Alam ba ninyo kung ano ang downside ng paniniwala sa “suwerte”? Kaakibat nito ang paniniwala that everything is random, at walang may kontrol sa mga nangyayari. But the Bible teaches us that God is sovereign. He is our Creator, and He is in control. Hindi siya nagbibigay ng suwerte, kundi nagbibigay siya ng blessings.

Ang blessing ng Kanyang protection, kaya kahit na mukha kang dehado, makakaasa kang may hahantungang maganda ang lahat (Roma 8:28).

Ang blessing ng assurance na nasa panig mo ang Diyos (Roma 8:31).

Ang blessing of knowing na dahil sa pagmamahal Niya sa iyo, ibinigay Niya ang kaisa-isa Niyang Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).

At marami pang ibang blessings!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Salamat, Diyos ko, dahil kahit anuman ang pinagdaraanan ko ngayon, I can rest in the knowledge that you are good. Ang pag-ibig Ninyo’y tunay at walang hanggan. Kaya kahit ano pa ang sitwasyon ko ngayon, alam kong may magandang pupuntahan ito. Thank You that in Christ Jesus, I am blessed!

APPLICATION

Kung mayroon kang mga gamit na tinatago mo dahil sa paningin mo, sila ang nagdadala ng suwerte sa iyo, i-let go mo na ang mga ito. Panahon na para ipagkatiwala mo ang future mo sa Diyos at hindi sa mga lucky charm na ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 4 =