16
SEPTEMBER 2021
“I Saw That!”–God
Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.
Mga Kawikaan 15:3
Mga alas-dos na ng madaling-araw. Halos wala nang kotse sa kalsada. Pagod at puyat na ang single mom na si Lucia at nagmamadali nang umuwi. Sakay niya ang tatlo niyang anak na nakatulog na rin sa likod ng sasakyan. Palapit sa intersection, naaninag niya ang yellow light. Agad niyang diniinan ang gas para unahan ang pagpula ng ilaw.
Pag-arangkada, biglang nagising si bunso. “Mommy, yellow means slow down and wait, red means stop ‘di ba?” In her weary mind, nagsimula nang magpalusot si Lucia. “Eh wala namang ibang kotse, anak. At antok na antok na ako, maaga pa ang pasok natin bukas. Okay lang ‘yan, wala namang pulis.” Pero bago pa siya makapagsalita, eto na naman si bunso. “And because we’re Christians, we will obey the law, ‘di ba Mommy?” Napatapak sa preno si Lucia. “Yes, you are right anak,” ang kanyang nasabi na lang. Nawala ang antok ni Lucia dahil nakonsensya siya sa sinabi ng kanyang bunso. Maganda talaga ang bunga ng pag-attend ng mga anak niya sa Kids’ Church.
Hindi lang si Lucia ang nacha-challenge pagdating sa integrity o ang paggawa ng tama, lalo na kung walang nakatingin. Ilan ba sa atin ang nag-uuwi ng bond papers mula sa office para sa project ng anak natin? Nasubukan mo na bang mag-text sa ka-appointment mo to say you are on your way to your meeting pero kakagising mo pa lang? E ‘yung sobra ang sukli sa iyo pero di mo na lang ibabalik, at tatawagin mo pa itong blessing? Ay naku ha! Mahirap ding sermunan ang anak na huwag manigarilyo habang eto kang chain smoker sa harap niya. Wa epek ang pangaral!
Bakit nga ba importante ang maging wasto sa lahat ng gawain? Ang sagot ay nasa Salita ng Diyos: “Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan” (Mga Kawikaan 15:3). Yes, He can see us! Nakikita Niya ang mga pagtitiis natin at gagantimpalaan Niya tayo. Nakikita rin Niya ang mga pandaraya at pagsisinungaling, at hindi Siya natutuwa. Ang ating Panginoon ay hindi isang giant in the sky na pag nagkamali tayo ay papaluin tayo ng malaking pamalo. Siya ay mapagmahal. Kung tayo man ay magkamali, handa Niya tayong tulungan para magbago.
LET’S PRAY
Lord, you see my heart and my intentions—tama man o mali. Wala akong maaaring itago sa Inyo. Nangungusap Kayo sa aking konsensya, at gumagamit Kayo ng ibang tao kung kinakailangan para paalalahanan ako. I pray na maging sensitive ako sa Inyong guidance. Grant me the courage to obey You in all things, whether sa harap ng marami o sa walang nakakakita kundi Kayo. Salamat sa Inyong pagtutuwid sa akin, dala ng Inyong malalim na pagmamahal.
APPLICATION