1

OCTOBER 2021

Caring for the “Sick” and “In Prison”

by | 202110, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Michellan Alagao

“‘Ako’y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’

Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya’y walang maisuot at aming dinamitan? At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo’y aming dinalaw?’

Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.’”

Mateo 25:36-40

Si K ay isang Christian doctor. Noong mas bata pa siya at may free time, madalas ay umiikot siya sa ICU ng isang ospital para dalawin ang mga pasyente at ipagdasal sila. Nakakabilib ang doktora na ito sapagkat isinabuhay niya ang sabi sa Mateo 25:36-40. Dahil nasa ICU ang mga pasyente, madalas ay bilang na ang kanilang mga araw. Mabuti at kahit papaano ay nakakausap ng doktora ang ilan sa kanila tungkol kay Jesus.

Hindi natin kailangang maging pastor o duktor para dalawin ang mga may sakit at nasa bilangguan. Actually, maraming tao ang may sakit at bilanggo, hindi lamang physically, kundi spiritually and emotionally din. Mas mainam na bago pa ma-ICU o tunay na mabilanggo ang mga tao ay may nakilala at nakausap sana silang Christian. Kapag tayo ay nagtatanim ng Salita ng Diyos sa kanila at tumutugon sa kanilang pangangailangan—damit man, pagkain, o inumin iyan—tandaan natin na ginagawa natin ang kalooban ng Panginoong Jesus. Ang pagpapakita ng kalinga sa mga taong ito ay pagpapakita na rin ng pagmamahal kay Jesus na nagmamahal sa kanila.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, kausapin Ninyo ako at ipakita Ninyo kung sino ang mga may “sakit” at “bilanggosa paligid ko—physically at spiritually. Tulungan Ninyo ako para matulungan sila at nang makilala nila kayo, in Your time.

APPLICATION

Kung may kakilala ka na may sakit at nasa bahay lang, tingnan mo kung puwede mo siyang dalawin para makumusta at madalhan ng pagkain. Kung may kakilala ka na may pagka-rebelde at maraming issues sa buhay, puwede mo siyang ipag-pray, i-encourage, at imbitahan sa church. Kahit hindi mag-respond ang mga taong ito sa ngayon, magtiwala ka na kaya pa rin silang abutin ng Panginoon, kahit sa ICU o sa bilangguan pa. Isama mo sila sa iyong Prayer List at patuloy na ipanalangin.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 11 =