6
AUGUST 2021
Costly Love
Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay pinatunayan sa takdang panahon.
1 Timoteo 2:6
There was a time na laganap ang kidnap for ransom among Tsinoys. Ginawang business ito ng kidnap syndicates dahil handang mag-ransom ng kahit na magkano ang families ng victims para matubos ang mga ito nang buhay. Millions, maybe even billions, of pesos were spent for ransom.
Ransom is costly. Pero para sa loved ones nila, it is a cost they’re willing to bear to save the kidnap victims.
Our plight as sinners is more desperate than that of a kidnap victim. Kailangan natin ng ibang klaseng ransom to free us from the clutches of sin. Without this ransom, we will surely die (Mga Taga-Roma 6:23). Ang kaso, no amount of wealth in the world would be enough for our ransom. Buhay, hindi pera, ang kapalit ng ating kaligtasan.
Only the life of Jesus is the acceptable ransom. Iyan ang dahilan kung bakit inialay Niya “ang Kanyang buhay sa ikatutubos ng marami” (Mateo 20:28). Ganyan kalaki ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ibinigay Niya si Jesus, His Only Son, to bear our sins on His body when He died on the cross of Calvary (1 Pedro 2:24).
God’s love for us is costly. It cost Him His only Son, Jesus Christ. Tumigil ka sandali at pag-isipan ang katotohanang ito.
Kaibigan, totoo ba para sa iyo ang costly love ng Diyos? Tinanggap mo na ba ang pagtubos sa iyo ni Jesu-Cristo mula sa kasalanan? Kung oo, paano mo sinusuklian ang pag-ibig Niya sa iyo?
Pero kung hindi pa ito totoo para sa iyo, you can say yes to His offer now through this prayer of acceptance:
LET’S PRAY
Lord, Salamat po sa costly love Ninyo para sa akin. Thank You for sending Your Son as a ransom for me. Jesus, salamat sa pagtubos Ninyo sa akin mula sa kasalanan. Tinatanggap Ko ang kaligtasang handog Ninyo. Maghari Kayo mula ngayon sa buhay ko. Teach me to respond to Your costly love with gratitude and obedience.
APPLICATION
Ang best response sa costly love ng Lord para sa atin ay una, maniwala at tanggapin ang katotohanang mahal ka nga talaga ng Diyos. Ang pangalawa ay nasa Mateo 22:37. Basahin ito at maglista ng concrete ways of loving the Lord “nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.” Pero tandaan mo, magagawa mo lang ito sa biyaya ng Diyos.