7
AUGUST 2021
Paano Ba Sukatin ang Success?
Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.
Mateo 6:21
Naaalala mo pa ba noong kakasimula mo pa lang na magtrabaho? Sa liit ng suweldo mo, maaaring noong nabayaran mo ang lahat ng bills mo at may natira kang sapat para makabili ng milk tea, feeling mo, achievement unlocked ka na. Hindi na ito masama dahil nagsisimula ka pa lang. But from there, posibleng nakita mo ang need for goal setting tulad ng ma-promote pagkatapos ng isang taon, madagdagan ang savings, at makapag-travel.
It feels good kapag may natupad sa goals na ito dahil indicator ito na umuusad ang professional and financial growth natin. But because of these fulfilled goals, mas malamang sa hindi, nae-encourage tayong magkaroon ng bagong goals para sa sarili. Kung dati, hanggang travel goals lang tayo, baka ngayon, may kasama na ring goal na makapag-downpayment para sa sariling sasakyan o makalipat sa mas magandang tirahan.
Hindi masamang magkaroon ng dreams and aspirations para sa sarili. Pero kung lagi lamang tayong nakatingin sa materyal na bagay, we will miss out on what’s truly important. Maraming nagpupursigi to have more, more, more dahil iniisip nila that fulfillment and security comes with having enough in their bank accounts. Pinapaalala sa atin ng 1 Timoteo 6:17 na ang kayamanan ay lumilipas, at ang Diyos lamang ang puwede nating asahan para sa ating mga pangangailangan. Higit dito, Siya ang gumawa ng paraan para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16, Roma 10:9).
Knowing this now, hindi kaya panahon na para ire-evaluate ang short-, medium-, and long-term goals natin?
LET’S PRAY
Lord, ituro Ninyo sa akin kung ano ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Baguhin Ninyo ang puso ko upang hangarin ko kung ano ang gusto Ninyo para sa akin.
APPLICATION
Magsulat ng tatlong spiritual goals mo para sa susunod na buwan. Maaaring tungkol ito sa pananalangin para sa mas maraming tao, o kaya commitment na magsimba kada Linggo, pati na rin kung gaano karaming kabanata o mga talata ng Biblia ang babasahin mo kada araw. Let the Holy Spirit lead you as you do this exercise.