5

AUGUST 2021

Okay Ka ba Talaga?

by | 202108, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jewel Tizon & Written by Deb Bataller

Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban, kaya’t sinabi niya sa kanila, Ako’y puno ng hapis na halos ikamatay ko! Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap…”  

Mateo 26:37-39

Naranasan mo na bang magpanggap na okay ka kahit hindi naman talaga? Na may nagtanong sa iyo kung kumusta ka tapos ang sinagot mo ay “okay lang naman ako” pero alam mong hindi iyon totoo? Marahil, marami sa atin ang nakaranas na ng ganito. Hindi mo mailabas ang tunay na nararamdaman mo dahil natatakot ka na mahusgahan ng mga tao sa paligid mo, o kaya naman ay walang gustong makinig sa iyo.

O baka naman nahihirapan ka dahil mataas ang expectations ng mga tao sa iyo kaya napipilitan ka na lang magpakita na malakas ka at okay ka kahit sa loob mo, durog at basag ka na. Pinipilit mo na lang ngumiti kahit na deep inside, umiiyak ka na.  Ang hirap hindi ba? Mahirap, pero ang nakakalungkot na reality, marami sa atin ay sanay na sanay na mag-pretend.

Pero do you know that God appreciates your honesty? Hindi totoong hindi ka puwedeng mag-express ng feelings mo kay Lord. Hindi rin totoo na dapat okay ka lagi sa harap ni Lord. You may be surprised to know na gustong-gusto ni Lord ang mga taong lumalapit sa Kanya nang basag at honest sa kanilang feelings.

In fact, sa Bible, mababasa natin na si Jesus mismo ay naging honest sa Kanyang nararamdaman. Noong Siya ay malapit nang hulihin para ipako sa krus, naging labis ang paghihirap ng kalooban ni Jesus dahil alam na Niya ang mangyayari sa Kanya.  Idinaan Niya ito sa pananalangin: “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap.”  Parang sinasabi Niya na kung puwede lang ay hindi Niya iyon pagdaanan. Dahil sa sobrang hirap nito emotionally para kay Jesus, naging dugo ang pawis Niya. At hindi lang iyon, naging honest din si Jesus sa disciples Niya. Sabi Niya, “Ako’y puno ng hapis na halos ikamatay ko!” (Mateo 26:38)

Pagod ka na bang magpanggap na okay ka lang? You don’t have to hide and pretend. Puwede mong ibuhos lahat ng iyan kay Lord at hindi ka Niya huhusgahan. Alam Niya exactly kung ano ang pinagdadaanan mo at nauunawaan ka Niya dahil 2,000 years ago, pinagdaanan Niya rin iyan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You that I don’t have to pretend that I’m okay and that I can be honest with you. I surrender all my pains and brokenness to you, and as I do so, I ask that You comfort and heal me. In Jesusname, Amen.

APPLICATION

As you pray, maging honest ka kay Lord. Tell Him everything. Maganda ring magkaroon ng journal kung saan puwede mong isulat lahat ng feelings mo then ask the Lord to help you overcome those unhealthy feelings.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 12 =