26

OCTOBER 2021

Expectation vs. Reality

by | 202110, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Jewel Tizon & Written by M.C. Navarro

Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.

Mga Taga-Roma 8:25

May feeling ka ba na na-hack ang buhay mo? You had a picture of how it should look like, pero ibang-iba ang nangyari. Ilang taon ka nang nagtratrabaho, pero break even pa rin ang suweldo at expenses mo. Ang pangarap mong promotion, ayun, pangarap pa rin. Ang mga IG-worthy na travel pics, nasa feed ng ibang tao. Ang sa’yo, waley pa rin. Plus nandiyan pa ang problema sa pamilya, sa love life  the list can go on and on.

Actually, maaaring most of the time, feeling mo, waley ang buong buhay mo. All you can see are the failures and problems. Lagi na lang bang ganito?

Added disappointment ‘yung feeling mo, mas close ka na kay Lord than ever, pero parang pahirapan bago ka makakita ng positive change sa buhay mo.

Kaibigan, baka kailangan mo muna ng heart check. Maaaring pikon na pikon ka na sa pagtulo sa bubong ninyo na hindi pa ninyo afford na mapaayos. But that same leaky roof can provide the shelter you need sa matinding sikat ng araw sa summer na ito. Maaaring nati-tempt kang mag-quit sa trabaho dahil hindi ka naman naa-appreciate ng kumpanya mo. Pero hindi ba’t dahil sa trabahong yon, natutustusan mo ang pangaraw-araw na pangangailangan mo?

May mga nagsasabing God will give your need but not your greed. Kung hindi mo natatanggap ang hinihingi mo, maaaring hindi ito makakabuti sa iyo. Puwede rin kayang hindi pa Niya maibigay ang bagay na ito dahil may kino-correct pa siya sa pag-iisip o pag-uugali mo? After all, adversity builds character.

Take your cue from our reading today. Kung may mga bagay kang inaasahan pero hindi mo pa nakikita, hintayin mo nang buong tiyaga. In the meantime, learn to be content and focus on what’s truly important. And remember that despite our problems today, we know we can place our hope on Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, turuan Ninyo akong ituon ang mga mata ko sa Inyo, kahit ano pa man ang sitwasyon ko. Turuan Ninyo akong makita ang kabutihan Ninyo sa kinahaharap ko ngayon. Salamat na makakapaghintay ako nang may tiyaga dahil sa Inyo ako umaasa.

APPLICATION

Ilista ang tatlong top concerns mo ngayon, at pagkatapos, isulat sa tabi ng mga ito ang mga bagay that you can still be thankful for. Halimbawa, dissatisfied ka sa trabaho mo. Isulat kung bakit imperfect man ang trabahong ito, blessing pa rin ang trabahong ito na galing sa Diyos.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 8 =