16

AUGUST 2021

Hawak Niya ang Buhay Mo

by | 202108, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neil Barnes & Written by Rhoxanne Villasin

Ikaw ang may hawak nitong aking buhay.

Mga Awit 31:15

Napakalaki ng role ng oras sa buhay ng tao. Sinusukat natin ang bawat araw in terms of 24 hours. Araw-araw may schedule tayong sinusundan. Oras para pumasok sa school o office, at oras para umuwi. Oras para mag-submit ng report, at oras para sumipot sa isa na namang important meeting. The list could go on and on pero eto ang real talk: The moment na hindi natin magawa ang mga bagay na ito sa loob ng itinakda nating oras, we have to face a specific consequence. Minsan madaling i-troubleshoot ang naging aberya, pero most of the time, challenging at mahirap itong harapin.

Marami tayong kasabihan tungkol sa time. Time flies fast. Time is gold. Beat the clock. Maging ang Biblia ay nagsasabing there is a time for everything (Ecclesiastes 3:1). Lahat ng bagay ay may tamang oras at panahon. Kung lumaki ka sa probinsya, maiintindihan mo ang katotohanang ito by just simply looking at the rice fields. May tamang panahon para magtanim at mag-harvest.

Sabi rin ng Bible, our times are in God’s hands (Psalm 31:15). Maraming bagay ang hindi natin kontrolado. Tanging Diyos lang ang may hawak at may kontrol sa mga ito. Isa dito ang oras. Wala tayong remote control device para i-fast forward, pause, skip, o i-stop ito.

So what’s the best thing to do? Kilalanin natin na Diyos ang may hawak ng buhay natin. Make the most out of every opportunity na bigay Niya dahil kung anumang pagkakataon ang meron ka ngayon, hindi mo tiyak kung magkakaroon ka niyan uli. Gamitin mo ang bawat pagkakataon para matuto. Magpatawad. Umunawa. Magmahal nang tunay.

Tandaan mo, hindi mo kailangang laging magmadali. Hindi ka dapat mainis sa oras dahil sa tingin mo ay mabagal ito o minsan naman ay mabilis. Kung kailangang maghintay, piliin mong maghintay. Kung kailangan nang mag-move forward, piliin mong umusad. Hindi ka lugi sa tuwing pinipili mong magpasakop sa time ni God dahil higit sa lahat, Siya ang nagtatakda ng tamang panahon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, turuan Ninyo akong kumilos ayon sa time Ninyo. Kung may mga pagkakataon mang gusto kong magmadali, turuan Ninyo akong maging patient. Kung natatakot man akong umusad, turuan Ninyo akong maging matapang. Sa lahat ng ito, tulungan Ninyo akong maintindihan na maganda at mabuti ang mga plano Ninyo para sa buhay ko. Take charge, Lord. Kayo ang may hawak ng buhay ko. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Isulat ang Mga Awit 31:5. Sa ilalim nito, ilista ang concerns mo na nais mong ipasakop sa Diyos. Ipagkatiwala mo sa Diyos ang mga ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 5 =