13
SEPTEMBER 2021
Huwag Magreklamo
Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, upang kayo’y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan.
Mga Taga-Filipos 2:14-15
Walang pagtutol? Mahirap itong gawin lalo na kung dumadaan ka sa sitwasyong hindi mo kabisado, hindi mo kasalanan, o kaya naman may katrabaho o kamag-anak kang mahirap pakisamahan. Pero ang sabi sa Mga Taga-Filipos 2:14, gawin ang lahat ng bagay nang walang pagtutol kaya walang exemptions.
Makakatulong para maiwasan ang pagrereklamo kung kay Lord tayo magsusumbong. Kapag sa Kanya natin ibinigay ang ating concerns at complaints, pinapadama Niya sa atin ang Kanyang presence at binibigyan Niya tayo ng peace and guidance.
Kung magbibilang din tayo ng blessings, mapipigilan tayo sa pagrereklamo. Nababawasan ang masamang epekto ng pagko-complain tuwing nagpapasalamat. Kapag nakatuon tayo sa lahat ng mali, baka ma-depress pa tayo! Kung ililipat natin ang focus sa mga bagay that are working for us and not against us, mama-magnify ang kabutihan ng Diyos. HIndi kataka-taka kung bakit kalooban ng Diyos na maging thankful tayo dahil kabutihan lamang ang idudulot nito.
When we reach out to others, gumagaan din ang ating pakiramdam. Nasubukan mo na bang magreklamo tapos may ibang nag-share ng problema nila na mas matindi pa? Parang bulang biglang nawala ang bigat ng problema mo. Hindi lang kasi tayo ang namomroblema. Marami! Kaya kumustahin mo ang mga kaibigan mo’t kamag-anak. Kailangan ba nila ang panalangin at tulong mo?
Hindi natin kayang umiwas sa pagko-complain kung walang tulong ng Holy Spirit. Kaya rejoice, hindi tayo nag-iisa! Ang Diyos ang kumikilos sa atin. Sa pamamagitan ni Jesus na Siyang Ilaw ng sanlibutan, magsisilbi tayong ilaw. Magagawa nating hindi magreklamo at maging mapagpasalamat.
LET’S PRAY
Panginoon, inaamin ko na nagrereklamo ako. Salamat sa Inyong pagpapatawad sa akin at sa paglilinis ng puso at dila ko. Turuan Ninyo akong maging mapagpasalamat at tumugon din sa pangangailangan ng iba. Amen.
APPLICATION
Subukan mong gumawa ng Thank You journal. Araw-araw, for 10 days, write down at least 5 things you are thankful for. Subukan mong huwag mag-ulit ng entry at magugulat ka na lang sa dami ng blessings mo! After 10 days, why not make this a regular habit?