14
SEPTEMBER 2021
Not Easily Uprooted
Magpakatatag kayo at patuloy na lumago sa pagkakilala sa kanya. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.
Mga Taga-Colosas 2:7
Have you tried uprooting a seedling that has been planted for only a day? Walang effort na kailangan ‘di ba? How about trying to uproot a big tree? Mukhang kakailanganin mo nang gumamit ng backhoe dahil siguradong hindi mo iyon mabubunot nang gamit lang ang iyong kamay.
A big tree with roots that are embedded deep down in the soil cannot be easily uprooted. Like in life, kung malalim ang pagkakakilala natin sa Panginoon, no storm or external force can easily uproot us from Him. Tulad ng sabi sa Mga Taga-Colosas 2:7, “Magpakatatag kayo at patuloy na lumago sa pagkakilala sa kanya. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.”
As we are planted, we are also called to continue to grow. Habang tumatagal at habang nakikilala natin ang Panginoon, our roots are able to go deeper and deeper. Mahalagang mag-aral tayo ng Salita ng Diyos at baguhin natin ang isip natin ayon sa Kanyang Salita. Sa ganitong paraan tayo lalalim sa pananampalataya at mamumuhay ayon sa Kanyang kalooban. Sa bawat pagsunod sa itinuturo ng Diyos, lalo tayong magiging Christ-like. Magkaroon man ng mga pagsubok at problema, hindi tayo madaling mashe-shake dahil malalim ang kapit ng pananampalataya natin sa Panginoon. And as we grow deeper, our thanksgiving will just overflow naturally.
LET’S PRAY
Father, thank You that I am in Christ. Give me the right people who will help me grow in the grace and knowledge of my Lord Jesus. Pag-aaralan ko ang Salita Ninyo para mapalakas at mapalalim ang pananampalataya ko sa Inyo. I trust that You will not allow the things of this world to uproot or shake me. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Isa sa mga nakakatulong para mapalago ang pananampalataya natin ay ang Salita ng Diyos. Find time to meditate on God’s Word daily and produce deeper trust, knowledge, and faith in God.