12
SEPTEMBER 2021
Pangako sa Pagtanda
Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay. Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila’y darami. Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia’t matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa.
Mga Awit 92:12-14
Totoo bang youth is the age of promise and potential? Pansinin mo ang stars sa showbiz at sports. Most of them are in their 20s. When they reach the age of 40, bumababa na ang market value nila. Maraming companies ang hindi nagha-hire ng above 40 years old. Mababa na raw kasi ang productivity ng middle-aged employees. Iyan siguro ang reason why nire-require ng maraming companies ang retirement for those who reach 60. These realities can make us wonder kung totoo ngang the world belongs to the young.
Most of us dread getting old. Kasabay kasi ng pagtanda ang paghina ng katawan, pagbagal ng kilos, pag-ikli ng pasensya. Kasama na rin ang feelings of uselessness and helplessness.
For the psalmist who wrote Psalm 92, ang pagtanda ay may dalang pangako. Ang nagtitiwala sa Diyos at aware sa Kanyang presence ay mananatiling matatag, even in old age. Patuloy silang magiging fruitful. Their faith will remain fresh and vibrant.
May mga tao bang nagpapatunay sa promise na ito?
Si Billy Graham. Nabuhay siya hanggang 99 years old. He died of natural causes in 2018. Buong buhay niyang pinaglingkuran ang Diyos as an evangelist. Naikot niya ang buong mundo proclaiming the Gospel. Libo-libo ang nakakilala kay Cristo sa evangelistic crusades ni Billy Graham. Nag-minister siya sa 12 consecutive US presidents mula kay Harry Truman hanggang kay Barack Obama. Kasama si John Stott (who lived up to 90), sinimulan niya ang Lausanne Movement for the “task of the total evangelization of the world.”
Si Proceso Marcelo. Known for Hardin ng Panalangin, the longest-running program on 702 DZAS, he lived up to more than 90.
Si Mother Teresa. Nag-serve siya sa lepers sa Calcutta until she was 87.
Anong ine-expect mo sa iyong pagtanda? Kung patuloy kang magtitiwala at mananatili sa Panginoon, magiging totoo rin para sa iyo ang pangako sa Mga Awit 92:12-14.
LET’S PRAY
Panginoon, nakakalakas ng loob isipin na magiging matatag at fruitful pa rin ako sa aking pagtanda. Keep my faith in You strong ang vibrant until you call me home, Amen
APPLICATION
Interview the oldest person you know. Sa inyong kuwentuhan, anong important lesson about growing old ang natutunan mo sa kanya? Remember to apply this in your own life.