8
NOVEMBER 2021
Huwag Sukuan ang Gawain
Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh. Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo’y mabubuhay.”
Ezekiel 37:4-5
Kakaiba ang utos ng Panginoon kay Ezekiel. Gusto Niyang mag-prophesy ang propeta sa isang libis na puno ng kalansay. Without questioning the logic behind the command, sumunod si Ezekiel, at dahil dito, nakita niya firsthand ang kapangyarihan ni Yahweh. By God’s power, nagkaroon ang mga kalansay ng litid, laman, at balat. By His might, pumasok ang hangin sa mga ito at muli silang nabuhay. Isinulat ng propeta, “Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila’y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo” (Ezekiel 37:10b).
Amazing ang pile of bones na naging isang hukbo, pero nakakamangha din ang obedience ni Ezekiel sa Diyos. Hindi niya inisip na imposible ang inuutos sa kanya. Hindi siya na-discourage. Nang tanungin siya kung sa palagay niya ay mabubuhay pa ang mga kalansay, simple lang ang kanyang sagot: “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh” (Ezekiel 37:3c). He did his role faithfully, prophesying to the bones, to the wind, to the House of Israel.
Hindi lang si Ezekiel ang gumawa nito. Marami pang ibang propeta ang tinawag ng Panginoon para magbigay ng warnings at blessings sa mga tao sa Old Testament. Walang sinuman sa kanila ang perfect. May sumubok takasan ang Diyos (Jonah), may na-depress (Elijah), may naging iyakin (Jeremiah). Pero lahat sila ay sumunod sa Panginoon, gaano man kahirap o kaimposible ang pinapagawa sa kanila. At hindi man natin nabasa sa Bible ang ending ng kanilang mga kuwento, we can rest assured na natanggap nila ang reward nila sa langit (Lucas 6:23).
Have you ever been discouraged doing your work? Sa opisina man ito o sa simbahan, may times talaga na parang imposible ang task na pinapagawa sa iyo. Kapag nangyayari ito, huwag ka sanang sumuko. Gayahin ang propetang Ezekiel: Acknowledge na ang Panginoon lang ang nakakaalam ng lahat ng bagay, at gampanan nang may katapatan ang role na ibinigay Niya sa iyo.
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan Ninyo akong maging faithful sa mga gawaing binigay Ninyo sa akin. Amen.
APPLICATION
Ugaliing gumawa ng to-do list sa umpisa ng araw. Break down big projects into small tasks para hindi ka ma-overwhelm. Huwag kalimutang magpasalamat kay Lord for every task na iyong matatapos.