21
FEBRUARY 2022
Killdozer
Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim; yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
Awit 103:9
Paano ba magalit si God? Ang Diyos ay nagagalit pero hindi Siya nananatiling galit. Likas sa Panginoon ang magpatawad. Hindi Siya yung tipong manunumbat o yung magpapaalala sa iyo ng mga kasalanan mo, na para bang nakalista ang lahat na ito. Napakabuti ng Diyos! Sabi sa Psalm 103:11, hindi madadaig ng galit Niya ang walang sukat Niyang pag-ibig, at sa Psalm 103:12, inaalis niya ang ating mga kasalanan — as far as the east is from the west.
Natural lang sa ating magalit paminsan-minsan. Pero banayad ba tayo kung magalit katulad Niya? Alam ba ninyo na nakakapagod magngitngit sa galit? At dahil nakakapagod, nakakababa yan ng immune system, at maaari pang makaapekto hindi lang sa ating puso, kundi sa puso ng iba! Mapagparaya ba tayo katulad ni Lord o nagtatanim ng galit? Marami sa atin na yung hurts natin yesterday or the day before or the year before, bitbit pa rin natin hanggang sa ngayon. Nagkikimkim tayo ng galit. Delikado rin ‘yan dahil para naman tayong active volcano na any time, pwedeng sumabog!
Naaalala niyo ba ang galit ni Cain kay Abel sa Genesis 4 na nauwi sa murder? O ang inggit at galit ng mga kapatid ni Joseph sa Genesis 37 na nauwi sa child trafficking? Ipinagbili nila bilang slave ang sarili nilang kapatid sa dayuhan. How about a more recent example that happened in Colorado noong 2004? May isang welder na nagtanim ng galit dahil hindi dininig ang kanyang petition na baguhin ang plano ng isang construction company na nagpatayo ng planta na humarang sa kanyang opisina. Gamit ang isang makeshift bulldozer na kanyang binuo ng isang taon, minaneho niya ito at pinatumba ang planta sa tabi niya, the mayor’s house, hardware store, newspaper office, at iba pang properties. Nang nasabit ang bulldozer at di na maka-andar, the welder shot himself! What a tragic tale. Akala natin napaparusahan natin ang nagkakasala kapag nagagalit at nakakabawi tayo, pero ang totoo, tulad ng sinabi ni Elizabeth Kenny, “The one who angers you conquers you.”
May sama ng loob ka ba sa iba? May galit ka bang matagal nang dinadala? The Lord does not want you to be conquered. He wants you free. Subukan mong magpatawad, magparaya, at magtiwala that God knows best, and His ways are wiser than yours.
LET’S PRAY
Patawarin po Ninyo ako, Panginoon, for keeping a record of the wrongs of others. Isinusuko ko sa Inyo ang lahat ng galit ko. Turuan Ninyo akong magpatawad at magmahal. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
1) When you are tempted to get angry, subukan mong ibulong ang galit mo imbes na isigaw. A softer tone has been proven to control anger.
2) May pinapaalala ba si Lord sa iyo na kailangan mong patawarin? By faith, forgive this person and pray for this person daily for the entire week.