4

NOVEMBER 2021

Konting Tiis Pa!

by | 202111, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Deb Bataller

Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.

Mga Taga-Roma 5:3-4

Ayaw natin ng nahihirapan. Ayaw natin ng problema. Ayaw natin ng nagtitiis. Ayaw natin ng naghihintay. Gusto natin laging madali, masaya, komportable, at mabilis. But sadly, we all know na hindi laging masaya at okay ang buhay. Kadalasan pa nga, mas marami pa ang problema at pagsubok na kailangang pagtiisan. At kung tayo ay nasa isang mahirap na sitwasyon, masasabi ba nating may saya at galak pa rin tayo sa kabila ng ating pinagdadaanan?

Iniisip mo siguro, wala naman kasing dahilan para matuwa ako kung mahirap na nga ang pinagdadaanan ko at no choice naman ako kung hindi magtiis na lang kahit ayaw ko na. Good news! Alam mo bang may magandang bunga ang mga pagtitiis mo? And yes, kahit ang mga problema mo at pagsubok ay may magandang idinudulot din.

Sa Mga Taga-Roma 5:3-4, mababasa natin ang isang kakaiba at napakagandang perspective pagdating sa ating mga pagtitiis. “Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.”

Akala lang natin ay walang magandang bunga ang ating pagtitiis, pero ang hindi natin alam, ito ay nagbubunga na pala ng pagtitiyaga, katatagan, at pag-asa sa ating mga buhay. Sa ating pagtitiis ay mas tumitibay tayo, mas nagiging matiyaga, mas tumatatag ang pananampalataya, nahuhubog ang ating ugali, naitatama ang ating mga pagkakamali, at mas nagkakaroon tayo ng pag-asa. Nagle-level up tayo sa ating pagtitiis!

Kaya naman, kung may pinagdadaanan ka ngayon, makakaya mong maging masaya kapag inisip mo na hindi nasasayang ang pagtitiis mo. Pagkatapos ng lahat, makikita mo na naging mas matibay ka, mas mabuti, mas mapagmahal, mas matatag, mas mapagpatawad, at mas puno ng pag-asa. Pagkatapos ng lahat, masasabi mo na sa konting pagtitiis mo ay naging mas kagaya ka ni Cristo.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, alam Ninyo lahat ng struggles at pagtitiis ko. Tulungan Ninyo ako na huwag sumuko at na makita ko na ang lahat ng aking pagtitiis ay hindi nasasayang dahil ito ay nagbubunga ng pagtitiyaga, katatagan at pag-asa sa akin. Use my trials to make me more like You, Lord. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Sa halip na tignan ang iyong problema na pabigat, tanungin mo si Lord kung ano ang binabago at itinuturo Niya sa iyo sa sitwasyong pinagdadaanan mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 15 =