8

AUGUST 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Binoy Sadia & Written by Honeylet Venisse A. Velves
Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya’y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Lucas 6:35

Isang taon nang hindi nag-uusap ang magkaibigang Maya at Jessica. Nag-away sila dahil naging boyfriend ni Jessica ang ex ni Maya and because of this, she felt betrayed. Hanggang sa maging teammates sila sa isang project sa opisina. Mahirap para sa kanila ang muling magkaharap, pero isinantabi ni Maya ang kanilang misunderstanding. When Maya finished her tasks, tinulungan niya si Jessica na matapos ang parte niya. Little did they know that their boss was watching their every move. Later that year, Maya was promoted as the team leader of their department.

Ang naranasan ni Maya na betrayal from a friend ay isa lamang sa mga mitsa ng galit ng tao. Minsan dahil sa masasakit na salita. Puwede ring dahil sa mga pangakong hindi tinupad. Napakarami pang dahilan na pinagmumulan ng galit natin sa kapwa. But the Lord tells us to love our enemies. I-bless pa rin natin kahit ‘yung mga sumusumpa sa atin at walang utang na loob (Lucas 6:28). Hindi sinabing magpatawad lang kung humihingi na ng tawad ang nagkasala sa atin. Si Jesus nga, while on the cross, sabi niya, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Hindi madaling gawin ang magpatawad at alisin ang galit, lalo na kung sariwa pa ang sugat sa puso natin. Ngunit laging available ang grace ni Lord para tulungan tayong magpatawad at gumawa ng mabuti. Gaya ng nangyari kay Maya. Nagantimpalaan pa siya sa kanyang ginawang pag-reach out kay Jessica. Ang paglaya niya sa sama ng loob ay maituturing na sobrang laking reward na para kay Maya. Kung gusto rin nating ma-experience ang freedom from anger, narito ang isang short prayer:

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for healing the pain in my heart. Release me from anger and bitterness. Bless the people who have hurt me and teach me to love my enemies. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Pray for the person na kinasasamaan mo ng loob. Receive the grace of God to forgive. Buong pananampalataya mong i-declare na pinapatawad mo na ang taong ito. Then, reach out to this person. Whenever possible, gawan mo siya ng mabuti. By doing so, you become more like our gracious God.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 11 =