9
AUGUST 2021
When Being Weak Means Being Strong
Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito, ngunit ganito ang kanyang sagot, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo.
2 Mga Taga-Corinto 12:8-9
Do you think life could be better? May mga bagay ba na wini-wish mo sa Diyos na sana ay maiba sa sitwasyon mo? Do you have a “thorn in the flesh”?
The Apostle Paul can relate. He has been faithful in spreading the Gospel despite all the odds thrown against him. Lahat na yata ng klase ng paghihirap ay napagdaanan niya. He experienced hunger, imprisonment, shipwreck, severe beating, among others. Nowhere do we read that he complained but at one point he asked the Lord for something. Hiniling niya na tanggalin ng Diyos ang tinik sa kanyang laman. You would think na pagbibigyan siya ni God. After all, katakot-takot na challenges na ang pinagdaanan niya. But God said no and gave Paul something better: the promise of His presence and His grace. “My grace is sufficient for you,” ang sabi Niya. Hindi magkukulang. Sapat para sa pangangailangan mo.
If we are being honest, sometimes it’s hard to trust God when He tells us no. Mas madaling magtampo, magmaktol, magreklamo, o magalit imbes na magtiwala sa Kanya. “Ano ba naman ‘yung tanggalin Niya ‘yung tinik sa buhay ko?” ang himutok natin. Pero kung nangyari ito, hindi ba’t mami-miss naman natin ang opportunity na maranasan kung paano Siya magsisilbing lakas sa gitna ng ating kahinaan? Wouldn’t we be depriving ourselves of knowing how loving, faithful, and powerful God truly is?
In living with our thorn in the flesh, we will learn that being weak can be the greatest strength of all. Dahil hindi na sa atin manggagaling ang lakas magpatuloy kundi mula sa Kanya.
LET’S PRAY
My loving and faithful God, salamat sa pagsu-sustain sa akin sa mga panahong mahina ako. Turuan Ninyo akong magtiwala sa Inyo kahit ang mga sagot Ninyo sa prayers ko ay no.
APPLICATION
Ano ang thorn in the flesh mo? Is it an insecurity, a nagging problem, or a physical limitation? Ibigay mo ito sa Diyos at hayaan Siyang gumawa ng paraan para mapagtagumpayan mo ang mga ito.