25

DECEMBER 2021

My CHRISTmas Story

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Yna Reyes & Written by Yna S. Reyes

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. Magiging malawak ang kanyang kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian. Itatatag niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Isaias 9:6-7.

On the Christmas Eve of 1975, I received the most wonderful gift of Christmas—Jesus Christ Himself! With a simple prayer, tinanggap ko si Jesus as my personal Savior and Lord.

Ishinare sa akin ng Ate ko ang Good News of salvation in Jesus Christ. Na-realize ko na hindi pala ako makakapunta sa langit by being religious nor by being a good girl. For someone na president ng two religious clubs, ang Friends of Jesus at ang Legion of Mary, naintriga ako. Akala ko kasi, if I followed the rules, studied hard, obeyed my parents and teachers, and pleased everyone I knew, OK na ako. But no matter how I try to be good, I am still a sinner at hindi pala puwedeng panghawakan ang good works ko to earn my salvation.

Inexplain sa akin ni Ate why Jesus came on that first Christmas day. Isinilang Siya para mamuhay kasama ng sangkatauhang ililigtas Niya from SIN that separated them—and us—from God. Ihahayag Niya ang pagdating ng Kaharian ng Diyos. He will feed the hungry, heal the sick, cast out demons, set the captives free, raise the dead to life. Ultimately, ipapako Siya sa krus for our sake, but on the third day, He will rise again. Si Jesus ang katuparan ng kamangha-manghang prophecy ni Isaiah. At nais Niyang maging totoo Siya sa buhay ko!

On that Christmas Eve more than 40 years ago, ibinulong ni Jesus sa puso ko ang pangakong bibigyan Niya ako ng abundant life (Juan 10:10). He made my heart jump and sing and cry and be still, all at the same time! Binuksan Niya ang mga mata ko sa real meaning of Christmas—sa real meaning ng buhay! Nagsimula ang life-changing relationship ko with Jesus, who IS the reason we celebrate Christmas.

Kaibigan, nais mo bang maging makabuluhan sa iyo ang Paskong ito? Invite Jesus into your heart with this prayer:

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, I am a sinner. I need You to be my Savior. Come into my heart and begin Your wonderful work in my life. Be my Lord and King, Amen.

APPLICATION

Welcome Jesus in your life today with a song of joy. Now you can really sing “Joy to the World”!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 7 =