8
FEBRUARY 2022
Nagtatampo Ka Ba sa Panginoon?
Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi’y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.
Awit 139:1–4
Nagtatanong ka ba, “Bakit siya ang bliness mo, Lord? Ako nga itong nagpapakabait, nag-oobey, mas matinding magpray, tapos … Nakalimutan Ninyo na ba ako?” I-verbalize man natin o hindi, we sometimes think this way. Sa tingin mo, nagagalit ba sa atin si God kapag nagtatampo tayo sa Kanya?
Pagmasdan natin ang six-year-old na si Eric. Nag-tantrums sa gitna ng mall dahil ayaw bilhin ng ama ang paborito nitong laruan. Dabog. Iyak. Sigaw. Pinagtinginan na sila ng mga tao. Kinarga siya ng tatay niya at isinakay sa kotse. Matapos ang emotional meltdown, malumanay itong kinausap ng ama. “O, tapos ka na?” His father carefully explained why they couldn’t buy the toy. Humihikbing tumahan ang bata, nag-sorry, at niyakap ang magulang. Sa buong episode na ito, ni katiting ay hindi nabawasan ang pagmamahal ng ama sa anak. Medyo nainis siguro nang sandali, pero nothing changed when it comes to the father’s love for the son. Kung ganito kalalim magmahal ang mabuting ama sa lupa, paano pa kaya ang Ama natin sa langit? Although hindi natin kailanman maipapantay ang ating human traits to our divine God, magagamit ang ganitong mga pagkakataon to describe, in a way, ang Kanyang pagmamahal sa atin.
Remember na Siya ang lumikha sa ating buong pagkatao. Kabilang na dito ang ating emosyon at pag-iisip. Sa Awit 139:13 sinasabing, “Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.” So alam ni God na ang pagtatampo is part of human nature. Pero love pa rin Niya tayo. He can take it. In fact, God would love to hear our pagtatampo. Imbes na mag-rant tayo sa kapwa, o i-broadcast sa social media, why don’t we cry out to our Father in heaven? After all, He alone can truly understand us. He alone can give us comfort and security. He alone can change us.
LET’S PRAY
Lord, ang hirap po magpray ngayon. Alam Ninyo po ang aking iniisip — ang inggit, galit, at disappointment sa aking puso. Sorry po, nagpapakatotoo lang. I choose to come to You today. I choose to meditate on your Word. Minister to my soul, o Lord, and grant me Your peace. In Jesus’ name I pray, Amen.
APPLICATION
Basahin ang buong chapter ng Psalm 139. Reading God’s love letter is a powerful antidote to all our pagtatampo. Let His Word soothe your soul and calm your thoughts and emotions today.