14

AUGUST 2023

Promise vs. Problem

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Honeylet Adajar-Velves

Welcome muli sa ating series na “Pagharap sa Problema.” Alamin natin ngayon ang papel ng mga pangako ng Diyos sa pagharap mo sa problema.

“Panginoong Yahweh, kayo’y tapat at tumutupad sa mga pangako ninyo sa akin.”

2 Samuel 7:28

Bunga ng modern technology, mabilis nag-eevolve ang dash cams ng mga sasakyan. Ngayon, kahit hindi ka na lumingon, puwede mong masilip sa screen ang mga nangyayari sa likod ng iyong sasakyan habang sabay mo ring nakikita ang nangyayari sa unahan. Sana all may ganitong klaseng ability!

Kung ganito rin sana ang ability natin sa pagtingin sa pangako ni God at sa problema, magiging mas magaan ang buhay natin. ‘Yung tipong kahit nakikita mo ang problema sa buhay, nakatingin ka pa rin sa kayang gawin ni God sa sitwasyon mo. Pero kadalasan, kahit pa gaano na natin kakilala si God, mas matimbang pa rin ang focus natin sa problema. Minsan pa nga sobrang blurred ng perspective natin sa mga pangakong ibinigay na Niya through the Bible. Hindi lang iyon, nalilimutan pa natin kung paano Niya tayo iniligtas at pagkatapos ay pinagpala nang paulit-ulit.

Whenever we focus on our problems, nagdudulot ito ng panghihina at kawalan ng pag-asa. Minsan, sa pag-ooverthink natin, hindi pa man tayo umaapak sa battle ground, suko na tayo agad. But when we magnify God, His promises, and how He has saved and blessed us in the past, it empowers us to stand firm in our faith. At dahil sa biyaya ng Diyos, habang nagtitiwala tayo sa Kanya, sure win tayo sa anumang pagsubok sa buhay.

Ganito rin ba ang pinagdadaanan mo ngayon? If yes, then this is a reminder that God is always faithful. He fulfills all His promises at the right time. Focus on God’s promises and witness how He resolves your problems.

We hope you’ll tune in again tomorrow para sa last part ng ating series na “Pagharap sa Problema.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa napakaraming pangako Ninyo na mapanghahawakan ko sa buhay. Today, I claim your promises in my life and I know that through You, I can win the battles I’m facing. This I pray in the mighty name of Jesus. Amen.

APPLICATION

Search in the Bible a particular promise of God and post it on your social media accounts. Kasabay nito, maaari mo ring i-share ang devotional na ito to encourage others.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 15 =