12

OCTOBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao’y ibinibilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan.

2 Mga Taga-Corinto 5:19

Pangarap ni Eman maging isang piloto ngunit hindi ito natupad. Madalas kasi siyang mag-cutting sa school para uminom at tumambay kasama ang kanyang bestfriend at kapitbahay na si Jehu. Kaya pinatigil si Eman sa pag-aaral ng kanyang mga magulang. Araw-araw, sa tuwing sisilip si Eman sa bintana, nakikita niya sa kabilang bintana ang matalik niyang kaibigan na nakaupo ring kagaya niya. Nauubos ang oras ni Eman kakatingin kay Jehu habang sa isip niya, sinisisi niya ito sa mga nangyari.

Isang araw, habang nakaupo na naman siya’t sa isip niya ay sinisisi niya si Jehu, narinig niyang tinatawag siya nito mula sa sala ng kanilang bahay. Nagtaka siya kung bakit naroon si Jehu samantalang nakikita pa rin niya sa bintana ang lalaking nakaupo. Then he realized, he was actually looking at the reflection of himself in the mirror.

Hindi ba parang ganito tayo minsan kapag may nagawa tayong kasalanan? Gaya ni Eman, naninisi tayo ng ibang tao. Paulit-ulit nating sinisisi ang iba, pero ang totoo, hindi natin mapatawad ang sarili natin. We condemn ourselves, umiiwas tayo sa ibang tao, at nagkukulong sa kuwarto. Figuratively speaking, para tayong prisoner na walang kalayaan at kinabukasan. We feel condemned.

Na-realize ni Eman na ang nakikita pala niyang tao sa bintana ay hindi ang kaibigan niyang si Jehu kundi siya. Have you realized and admitted your own fault? Your own sin? Have you repented? If you have, then God has forgiven you at hindi na Niya aalalahanin ang kasalanan mo. “Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao’y ibinibilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan” (2 Mga Taga-Corinto 5:19).

Kung pinatawad na ng Diyos ang ating mga kasalanan, sino tayo para hindi patawarin ang ating mga sarili? God wants us to live a life free of guilt because Jesus has already freed us from the penalty of our sins (Romans 3:23-26). Pinagbayaran na ni Jesus ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa krus. Kung nais mong maging malaya from condemnation, here’s a short prayer you can utter:

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for forgiving me for all my sins. I acknowledge that because of Your grace expressed in the sacrifice of Jesus, You have forgiven me. Hindi mo na ako paparusahan dahil si Jesus na ang naparusahan. Salamat sa freedom and second chance for a better life. Thank You, dear Jesus!

APPLICATION

I-meditate ang Romans 5:6-11. Lagi mong alalahanin na dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na Niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng Kanyang Anak na si Jesus.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 2 =