5

DECEMBER 2021

Overflowing Living Water

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Precious Marian Calvario

Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin, at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’”

Juan 7:37-38

Sa gitna ng demands ng work, like deliverables, client calls, sales targets, metrics, and reports, ano ang go-to drink mo? Sa gitna ng sala-salabat na schedule mo mapa-work, family time, kitakits with friends, responding to group chats, or even finding time to date, may alone time ka pa ba? Sa dami ng alalahanin at pressures ng mundo—career, investments, starting your own family, keeping your marriage, raising your child, ano ang future-proof strategy mo? Nakakapagod ‘no? Higit pa sa power nap, vacation leave usage, at super cup with a choice of milk tea or coffee ang kailangan mo para mag-recharge. If you are in the middle of all these, there is THE overflowing supply of Living Water waiting for you.

Ang tubig ay buhay. Inconvenient kapag limited ang supply ng tubig. Kailangan mong i-adjust lahat ng schedule at activities mo makasabay lang sa oras ng rasyon ng tubig. Worst, kapag walang tubig, hindi tayo magtatagal sa kahit anong marathon ng buhay na sasalihan natin. Lagi tayong mauubusan ng lakas na magpatuloy sa buhay. Laging kapos at parang may kulang. But there is Jesus. Si Jesus mismo ang nagsabi, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom ¼ mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay,” Jesus offers the most satisfying go-to drink you will ever have and best future-proof strategy. If you will spend your no-filter alone time with Him, you’ll experience the most satisfying, best date ever.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, salamat dahil Kayo mismo ang tubig na nagbibigay-buhay. Lumalapit ako sa Inyo at nananalig na Kayo lamang ang makaka-satisfy ng lahat ng pangangailangan ko sa mundong ito. Bigyan Ninyo ako ng wisdom sa mga gagawin kong desisyon sa araw na ito at patnubayan Ninyo ako para hindi ko mailagay ang sarili ko sa unnecessary stress and pressure. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Instead of the usual cup of tea or coffee, refresh yourself with clear water and listen to praise and worship songs on the background as you go through today’s schedule. Ask for God’s wisdom and thank Him for giving you the Holy Spirit to guide you throughout the day.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 15 =