22

NOVEMBER 2021

Pa-victim o Pabebe?

by | 202111, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Jocelyn Rayton & Written by M.C. Navarro

Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.

Mga Hebreo 4:16

Kapag may matindi kang problema, do you find yourself crying out for God’s mercy? In the book of Psalms, marami tayong mababasang awit na isinulat ni David kung saan humihingi siya ng habag ng Diyos. Ayon naman sa sumulat ng Letter to the Hebrews, huwag tayong mag-atubiling lumapit sa mahabaging Diyos para makatanggap tayo ng habag at kalinga Niya.

Maaaring minsan, sa kagustuhan nating masagot agad ang prayer natin, hina-hard sell natin kay Lord ang problema natin. Habang kausap natin Siya, baka hindi natin napapansin na we don’t just express our situation. Baka ine-exaggerate na natin at pinapalabas na talagang hirap na hirap na tayo. Feeling natin, kapag naawa sa atin si Lord, ifa-fast track Niya ang pagsagot sa atin.

Although we are encouraged by Hebrews 4:16 to ask God for mercy, it doesn’t mean na lagi tayong maglulupasay at paulit-ulit na hihingi ng awa—all because tingin natin parang ayaw pa tayong kaawaan ng Diyos. This is a victim mentality. Hindi ito ang gusto ng Panginoon para sa atin. He wants us to have a victor mentality. He wants us to remember that His Son Jesus overcame sin and death for us. So in Christ, we are also victorious.

Ang paglapit natin sa trono ng Diyos ay pagkilala na mahabagin Siya, kaya we can experience His grace and mercy. Kaya instead of feeling like a victim, mas okay pa nga ang magpabebe kay Lord. Idaan natin sa paglalambing ang ating prayers. Sa ganitong paraan, ipinapakita natin na ine-embrace natin ang identity natin hindi lamang bilang anak ng Diyos, kundi tagapagmana rin Niya (Mga Taga-Galacia 4:7). We can be confident na hindi natin kailangang idaan sa palakasan ng iyak ang pagdulog ng prayer requests natin. With child-like faith, we can come to Him expecting to be treated with compassion and favor.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, thank You that You are merciful. Salamat sa pagpapatawad Ninyo sa akin sa mga pagkakataong nainis ako’t nawalan ng patience dahil hindi pa nasasagot ang prayers ko. Nagtitiwala ako sa kabutihan Ninyo, Aking Ama. Hindi lang Ninyo ako anak, kundi kasamang tagapagmana ni Jesus.

APPLICATION

I-meditate ang John 1:12 at 2 Corinthians 6:18. See yourself as a child of God na laging puwedeng lumapit sa Diyos Ama, humiling nang may pagtitiwala, at tumanggap ng pagpapala.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 12 =