28

JULY 2021

Share with family and friends
Narrated by Gutch Gutierrez & Written by Thelma A. Alngog

Ang hirap na ito’y aking nalalaman, na tanging ako rin ang makikinabang. Iyong iniligtas ang buhay na ito hindi hinayaang mahulog sa hukay, at pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan.

Isaias 38:17

Noong bata pa lamang si Bebot, na-diagnose ng doctor na may scoliosis siya at ‘di pantay ang kanyang hips at mga paa. Bukod sa physical disability, lumaki siya sa bugbog at pananakit ng kanyang ama na nalulong sa masasamang bisyo. Naranasan niya rin ang malublob ng kanyang ama sa isang drum na tubig, matali ang kanyang mga paa sa bintana, makulong sa CR, at halos masaksak ng gulok. Ito ang mga dahilan ng paglala ng kanyang sakit hanggang sa nagkaroon siya ng lumbar disc disease at multiple bone problems.

One way or another, we have experienced being hurt by others’ unkindness, harshness, and abusive behavior. Baka may painful memories ka rin ng iyong kabataan. How do we cope with pain in life?

Si King Hezekiah ay nakaranas din ng pain dahil sa sakit niya. Ngunit sa Panginoon siya umasa. Sabi niya, “Ang hirap na ito’y aking nalalaman, na tanging ako rin ang makikinabang. Iyong iniligtas ang buhay na ito hindi hinayaang mahulog sa hukay, at pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan” (Isaias 38:17). Later on, gumaling nga si Hezekiah at nabuhay pa ng ilang taon.

Hindi kalooban ng Diyos na tayo ay magkasakit at masaktan, but because we live in a fallen world, nararanasan natin ang mga ito. But pain can mold and shape our character. At hindi forever ang nararamdaman nating hirap! Use those pains to be more dependent and closer to God. At higit sa lahat, tandaan natin that Jesus Himself bore our pains and sufferings on the cross 2,000 years ago to redeem us. Let us believe and declare na si Jesus ang nagligtas sa ating buhay at hindi Niya hahayaang mahulog tayo sa hukay. Dahil sa Kanya, pinatawad ang ating mga kasalanan. Jesus can give us relief from pain while we are here on earth, and we will be completely pain-free when we reach heaven.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, You know our aches and pains. Defend us and give us justice, mercy, and strength to face our painful situations. Thank You that by the stripes of Jesus, we are healed. Amen.

APPLICATION

Pray for those who are in pain physically or emotionally. Try to reach out and extend the love of God to them. If you are in pain, huwag mahiyang humingi ng tulong sa iba. Higit sa lahat, rely on God’s comfort and healing. Hindi ka Niya pababayaan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 1 =