12

DECEMBER 2021

Panandalian Lang Iyan

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Roxanne Villasin

Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.

2 Mga Taga-Corinto 4:17

Maaaring nandoon ka sa punto ng buhay mo ngayon na hindi mo na rin alam kung ano ang isasagot mo sa tanong na ‘yan. Wala ka ng mahugot na lakas. Hindi na rin umuubra ang mga pep talk mo sa sarili mo sa tuwing humaharap ka sa salamin. Kung puwede lang bitawan ang lahat at sabihing “ayoko na,” gagawin mo. Kaso hindi puwede. May mga taong umaasa sa ‘yo at mga responsibilidad na dapat panindigan. Kaya paulit-ulit kang bumabalik sa laban dahil kailangan.

Pero may isang bagay ka atang nakakalimutan. Hindi mo mag-isang hinaharap ang mga ito. All along, akala mo pasan mo ang mundo pero hindi, may pumapasan din sa ‘yo—ang Diyos. Alam ‘yan ni Apostle Paul. Kabi-kabilang paghihirap ang dinanas niya dahil sa pangangaral ng gospel (2 Mga Taga-Corinto 4:8-11) pero sa kabila nito, hindi siya nasiraan ng loob. Buo ang tiwala niya sa Diyos kaya nasabi niya sa mga taga-Corinto, “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad” (2 Mga Taga-Corinto 4:17). He also said trials produce endurance and character (Romans 5:3-5).

Kaya habang dumadaan sa pakikipaglaban o anumang uri ng paghihirap, maniwala kang panandalian lang iyan at may magandang ibubunga ito. The best thing to do is to look up to God. Hindi mo man makita ang dulo ng pinagdadaanan mo ngayon, panghawakan mo ang mga pangako ni God para sa ‘yo.

Kaya pa? Hangga’t ang pag-asa mo’y naka-depende sa God na hindi paasa, oo ang sagot diyan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sabi nga Ninyo, bahagya at panandalian lang itong mga paghihirap na dinaranas namin. Thank You that through Jesus Christ, I will triumph over this battle that I’m facing. Salamat na ang mga paghihirap na ito ay nagbubunga ng pagtitiyaga, katatagan, at pag-asa sa akin. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Life is not meant to be lived alone. Journey with other people. Maging accountable sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. I-share mo sa kanila ang mga pinagdaraanan mo ngayon and allow them to pray for you. Sa mga panahong nanghihina ka, worship God. Sing songs to God because He is the Almighty and loving God na kasama mo through the hard times.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 12 =