11
SEPTEMBER 2021
Soli Deo Gloria
Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan, hindi namin maaangkin, pagkat ito’y iyo lamang; walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.
Mga Awit 115:1
Ang Latin words na Soli Deo Gloria (Glory to God Alone) ay inilagda ng mga 18th-century composers na sina Bach, Handel, at Graupner sa kanilang mga obra para ipaalam sa lahat na ang mga ito ay nilikha para papurihan ang Diyos.
With Soli Deo Gloria, these great artists pointed people to God instead of to themselves. Sa totoo lang, hindi nila maaangkin ang glory dahil sa Diyos nanggaling ang musical genius nila. Kahit malaking sakripisyo ang ginugol nila to hone their talent, the bottom line is it is a “gift from God.”
Sa panahong ito ng selfies, beauty queens, at super athletes, madaling malimutan na hindi tao ang center of the universe. Kahit sa Christian churches, may pastors at worship leaders na parang rock stars. Pag artista ang naging Christian, mas fina-follow pa sila kaysa kay Christ ng thousands of followers nila sa Twitter at Instagram.
What a far cry from the heart of David na lumikha ng Mga Awit 115! David was the greatest king of Israel, sinupil niya ang libo-libong kaaway, nag-compose ng extraordinary songs and poems (na mababasa natin sa Mga Awit), at pumatay sa higanteng si Goliath when he was only a teenager. He was a great man and his people adored him. Pero ang response niya, “Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan, hindi [ko] maaangkin, pagkat ito’y iyo lamang . . . .”
How about you? Paano mo tinatanggap ang mga parangal para sa isang successful na project? Sa totoo lang, masarap makarinig ng words of praise and encouragement lalo na kung ibinigay natin ang best efforts natin to accomplish something. Hindi naman masamang magpasalamat sa commendations ng iba. But, like David, Bach, Handel, and Graupner, i-direct natin sa Diyos ang attention ng admirers natin. Siya ang Source ng ating talents, strength, time, and resources. He lovingly gave all these to us para gamitin natin for His glory.
LET’S PRAY
Panginoon, for all my successes—sa Inyo lamang ang papuri. Soli Deo Gloria!
APPLICATION
Isulat sa papel, or type on your cell phone or laptop ang 3 biggest accomplishments mo. On top of the list, write in big, bold letters: SOLI DEO GLORIA!