31

MAY 2021

Parangalan Natin Si Jesus

by | 202105, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jewel Valeroso & Written by Michellan Alagao

Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa Anak.

Juan 5:23

May isang model at siyempre, napakaganda niya! Hindi lang ang mukha niya ang maganda—she’s beautiful inside and out. Ito ay dahil humble at simple lang siya. Sabi niya minsan, “Hindi ko maipagyayabang ang looks ko—ang height, mata, o ilong ko—kasi hindi ko naman pinili ito. Blessing ito na galing sa magulang ko at sa Diyos. Nagpapasalamat ako na nilikha ako ng Diyos na ganito.”

Napuri ka na rin ba dahil sa maganda mong ginawa o accomplishments? Kung pinuri ka ng ibang tao dahil sa maganda mong ginawa, bakit hindi mo ibalik ang papuri sa Diyos? Sa harap ng ibang tao, bigyan mo ng parangal ang Panginoon at pasalamatan Siya sa mga maganda Niyang ginawa sa buhay mo.

Si Jesus ay Panginoon na karapat-dapat parangalan. Bukod sa pagsasabi ng papuri at pasasalamat, paano pa natin mapaparangalan si Jesus? Ang isa pang bagay na puwede nating gawin ay i-acknowledge Siya each time we do our best dahil nagagawa natin ito sa pamamagitan ng bigay Niyang talino at lakas.

Mataas ba ang nakuha mong grades sa iyong exam? Sabihin mo sa iyong mga kaklase na ang Diyos ang nagbigay sa iyo ng katalinuhan at tiyaga sa pag-aaral. Pinuri ka ba ng boss mo dahil masipag ka? Magpasalamat ka at bigyan mo rin ng papuri ang Panginoon na nagbigay sa iyo ng lakas at wisdom. Tuwing pinaparangalan mo si Jesus, pinaparangalan mo rin ang Diyos Ama.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Im sorry dahil may mga pagkakataon na hindi ko Kayo nabibigyan ng sapat na papuri at parangal sa aking isip, puso, at salita. Salamat sa Inyong pagpapatawad. Nais ko Kayong parangalan at bigyang papuri sapagkat Kayo ay kaibigan at Panginoon ko.

APPLICATION

Ngayong araw na ito, paano mo magagamit sa “best” na paraaan ang iyong God-given gifts, time, talent, at resources upang bigyan ng parangal si Jesus at ang Diyos Ama?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 14 =