21
JULY 2021
Patience is a Virtue
Si Noe ay 600 taon nang bumaha sa daigdig. Pumasok nga siya sa malaking barko kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga manugang upang maligtas sa baha.
Genesis 7:6-7
Isa na yata si Noah sa pinakapasensyosong tao sa buong mundo. Halos isang daang taon niyang ginawa ang malaking barko, matapos niyang matanggap ang utos mula sa Panginoon. Almost one hundred years niyang tiniis ang pangungutya ng mga kapitbahay at kakilala. When he finally finished building the ark, kailangan naman niyang i-gather ang iba’t ibang uri ng hayop at ipasok sila sa barko. Isang linggo itong ginawa ni Noah bago isinara ng Panginoon ang pinto ng arko. After this, more than one year tumira si Noah at ang kanyang pamilya sa loob ng barko. Matagal nilang hinintay ang pagtila ng ulan, ang pagbaba ng baha, at finally, ang pagbukas ng pinto ng arko para makalabas sila.
Kung merong award for Best in Patience noong mga panahong ‘yun, siguro naging Hall of Famer na si Noah. Pero instead na medal, mas maganda—at mahalaga—ang natanggap niyang reward. Nakita ng Diyos ang kanyang pasensya at pagtitiyaga, at dahil sa biyaya ng Diyos, iniligtas Niya silang lahat mula sa Great Flood. Sa kanila nagmula ang sumunod na mga salinlahi sa mundo (Genesis 10). Best of all, isa si Noah sa mga unang nakarinig ng awesome promise mula sa Panginoon (Genesis 8:20-22).
Mabilis ka bang mapagod sa kakahintay ng blessings o sagot sa iyong mga panalangin? Be patient like Noah. Kahit parang walang katapusan ang iyong kapaguran. Kahit pinagtatawanan ka na ng ibang tao. Kahit parang ang tagal dumating ng pinangakong blessing sa ’yo. Sabi nga nila, “Good things come to those who wait.” Or, kung gusto nating maging mas accurate, we can say, “Great things come to those who wait on God.” Now isn’t that something worth being patient for?
LET’S PRAY
Lord, tulungan Ninyo akong huwag mainip sa pagdating ng blessings Ninyo. Help me to be patient and wait on You. Amen.
APPLICATION
Commit to an activity na kailangan ng maraming patience (halimbawa, pag-solve ng crossword puzzles, pagko-cross-stitch, pagkumpleto ng two-week exercise program, pagtuturo sa mga bata). Ask God to give you patience para matapos ang gawaing ito.