16

NOVEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo’y napakarunong.

Mga Taga-Roma 12:16

Top student, captain ng basketball team, at heartthrob sa kanilang campus si Perf  (short for Perfecto). He  lived up to his name. Masunurin sa magulang, laging nagsisimba, at walang bisyo despite the peer pressure. Because of this, he looked down on guys his age. He took pride in his clean lifestyle and intended to keep it that way. Not until he met his first girlfriend, si Shy.

It came as a shock to everyone when Perf and Shy had a baby at the age of seventeen. Many mocked them, especially si Perf dahil he is not perfect after all. But in this dark season of his life, Perf saw the light of God. Dahil nadapa siya, na-realize niya that he could not boast about his good image and good works. Dahil nadapa siya, naranasan ni Perf ang ibig sabihin ng grace ni God. After that, he was able to understand the situation of others dahil minsan na rin siyang nagkamali. Hindi na siya naging mayabang at natuto nang makisama sa ibang tao.

Naging Miss Perfect or Mister Perfect ka na rin ba? Ayaw makipag-usap sa mga taong nachichismis na may bad reputation kahit hindi pa napapatunayan. Iniisip mo na mas malaki ang kasalanan ng kapitbahay mong drug addict kaysa sa iyo dahil minsan ka lang naman nag-tap ng kuryente sa bahay ng pinsan mo. Or you just simply think na mas magaling ka sa lahat.

Pero gaya ni Perf, magkakamali at magkakamali rin tayo. Pero doon natin mae-experience ang biyaya ng Panginoon. God gives grace to the humble. He forgives and gives us a second chance. At ang paalala Niya sa atin: “Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo’y napakarunong” (Mga Taga-Roma 12:16).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat po sa biyaya Ninyo. I humble myself before You. Hindi ako dapat magmayabang o magmalaki. Tulungan Ninyo akong pahalagahan din ang ibang tao because You also care for them. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Pray for someone who may have failed and needs a second chance. Send him a word of encouragement.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 10 =