29
SEPTEMBER 2021
Plastik!
“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit ang loob ay bulok at puno ng kalansay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti, ngunit ang totoo’y punong-puno kayo ng pagkukunwari at kasamaan.”
Mateo 23:27-28
Plastik ang isa sa pinakamalaking environmental problem natin sa panahong ito. Alam mo ba that it takes one thousand years for plastic to decompose?
Plastik rin ang isa sa pinakamalaking spiritual problem hindi lang ngayon kundi noon pang panahon ni Jesus.
Plastik ang tawag natin sa taong mapagpanggap. Ipokrito ang isa pang tawag dito; pakitang-tao. Plastik ang taong relihiyoso pero masama naman ang ugali.
Maaanghang na salita ang binitawan ni Jesus sa mga plastik ng kanyang panahon, tulad ng mga Pharisees at teachers of the Law.
Ano ba ang ikinagagalit ni Jesus sa mga plastik na ito? Sabi niya, mahigpit sila sa pagpapatupad ng pagbibigay sa temple ng tithes (o ten percent ng kanilang ani), pero binabalewala nila ang mas mahalagang teachings ng Law gaya ng katarungan, awa, at katapatan (Mateo 23:23). Nililinis nila ang mga tasa at plato pero puno naman sila ng karahasan at kasakiman.
Hindi lang ang Pharisees at teachers of the Law ang plastik ayon sa Salita ng Diyos. Madalas, tayo rin. Kung magpapakatotoo tayo, guilty lahat tayo sa pagiging ipokrito.
Kapag panay ang “Praise the Lord” natin pero hindi naman natin sinusunod ang commands ni Jesus, plastik tayo (1 Juan 2:4). Kapag sinasabi nating mahal natin ang Diyos pero galit naman tayo sa isang tao, plastik tayo. Sabi ni Apostle John, “Paano nating mamahalin ang Diyos na hindi natin nakikita kung ang kapatid na nakikita natin ay hindi natin kayang mahalin?” (1 Juan 4:20).
Sabi ng Gospel writer na si Matthew, “Siguraduhin nyong hindi pakitang-tao lang ang paggawa nyo ng mga religious activities sa mga public places” (6:1 New Testament: Pinoy Version). Hindi makakatanggap ng reward mula sa Diyos ang mga pakitang-tao.
Plastik ang nagsasabi ng “God loves you, God bless you” sa isang nangangailangan pero ayaw namang magkaloob ng anumang concrete help. Kapag plastik tayo, nakakahadlang tayo sa paglapit ng iba kay Cristo. Nagiging stumbling block tayo.
Kaibigan, kailan ka huling naging plastik?
LET’S PRAY
Lord, inaamin ko po at pinagsisisihan ang maraming beses na nagdulot ako ng kalungkutan sa Inyo at naka-stumble sa iba dahil naging plastik ako. Salamat sa Inyong pagpapatawad.
APPLICATION
Kung hindi mo pa nagagawa, manampalataya ka sa Panginoong Jesus bilang iyong Tagapagligtas. Siya lamang ang tanging makakapagpabago ng iyong puso at tutulong sa iyo upang mamuhay nang tapat at walang kaplastikan.