23

OCTOBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Honeylet Venisse A. Velves & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo’y ipapahayag ko.

Mga Awit 9:1

Dalawang magkaibigan ang sumakay sa roller coaster. Matapos na ma-secure ang seatbelt ng mga nakasakay, nagsimula nang umandar ang roller coaster. Agad na pumikit ang babae dahil takot siya sa matataas na lugar. Dahil nakapikit, wala siyang ibang makita kundi kadiliman. Ang iniisip lang niya ay kung kalian titigil ang roller coaster. Gustong-gusto na niyang bumaba at umuwi.

Sa kabilang banda, ang kaibigan naman niyang lalaki ay enjoy na enjoy sa bilis ng takbo ng roller coaster at sa pagbaba at pagtaas nito. Pinanood niya ang magagandang sceneries sa pag-akyat ng sinasakyan. Sarap na sarap siya sa hampas ng hangin sa kanyang mukha habang bumababa ang roller coaster. Naging memorable para sa kanya ang experience na ito at mas na-excite siyang subukan pa ang ibang rides sa amusement park.

Sa kuwentong ito, makikita natin ang dalawang uri ng response sa iisang sitwasyon. Iyong babae ay takot na takot at gusto nang matapos ang kanyang pagsakay sa roller coaster. May mga taong ganito ang pagharap sa problema. Kapag ganito tayo, hindi natin makikita ang bright side of things. Iyong lalaki naman ay game na game sa thrill ng roller coaster ride. Not all of us may be a risk taker, but we can train our minds to see exciting possibilities in challenging situations.

In the same situation, may security belt ang magkaibigan at lahat ng nakasakay sa roller coaster. In real life, si Jesus ang ating security sa lahat ng sitwasyon. Kaya naman, kahit na nagtataasan na ang bilihin, magpasalamat tayo that God provides. Sa tuwing maraming assignments sa school, be thankful na meron tayong bagong natututunan. The more grateful we are, the more we see God’s goodness. Kaya makakapag-focus ka, hindi sa mga problema, kundi sa mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos sa buhay mo sa kabila ng mga problema.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, open the eyes of my heart that I may see Your goodness in every situation. Salamat po na kahit kailan, hindi Ninyo ako pinabayaan. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Mag-reflect kung ano ang iyong pinagdaraanan. Think of how God is working in that situation. Choose to be grateful.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 15 =