25

NOVEMBER 2021

Share with family and friends
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Yna S. Reyes

Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis? Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig. Muli akong magpupuri sa Diyos ko’t Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!

Mga Awit 43:5

Bukod sa mental hospital, sa airport maraming nagsasalitang mag-isa. Although sa airport, most of them naka-earphones, so malamang may kausap sila sa kabilang linya.

Sabi ng psychologists, hindi naman daw masamang magsalitang mag-isa. Self-talk is normal, and it can be good for you, basta aware ka sa ginagawa mo.

Sa Mga Awit 43, David did some serious self-talk. Nababagabag siya sa silence ng Diyos sa gitna ng depression niya. Nakakaranas siya ng injustice and oppression from his enemies at isinusumbong niya ito sa Diyos sa panaghoy at panalangin. Pero mukhang walang nangyayari.

Imbes na magmukmok at malugmok, David confronted and challenged his own feelings. Mas na-capture ng English version ang emotion niya. “Why are you cast down, O my soul, and why are you in turmoil within me?” (Psalm 43:5 ESV). I-dramatize natin sa Tagalog— “Bakit ka nalulugmok, kaluluwa ko? Bakit bagsak na bagsak ka? Bakit tulirong-tuliro ka?”

David acknowledged his depression, pero hindi siya tumigil doon. Instead, he reminded his soul of the truth that he has known about God. Malalim ang pagkakilala ni David sa kanyang Diyos. Si Yahweh ang kanyang Tagapagligtas at sa Kanya lang siya makakaasa. Kung paanong iniligtas ni Yahweh ang Israelites mula sa 400 years of slavery in Egypt, ganoon din Niya hahanguin si David from the oppression of his enemies.

Hindi lang pep talk ang ginawa ni David. Nagsimula muna siya sa pagpuri at pagsamba sa Panginoon. Kahit sa gitna ng personal problem niya, ang Diyos pa rin ang itinataas ni David. Si Yahweh pa rin ang sentro ng Kanyang isipan. Kahit nararamdaman niyang malayo ang Diyos, isinuko pa rin niya sa Diyos ang situation niya. And then, inutusan niya ang soul niya to “hope in God.”

At the end of the psalm, hindi pa rin nagbago ang situation ni David pero ang puso niya ang nabago. Natiyak niya na “muli akong magpupuri sa Diyos ¼“

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, Kayo ang Tagapagligtas ko. Kayo ang pag-asa ko. I surrender all my troubles to You.

APPLICATION

Ano ang biggest anxiety mo ngayon? Talk to your soul about it and then take time to pray. Swipe left to use your Prayer List.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 8 =