23

AUGUST 2021

Serve with Love and Joy

by | Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Mari Kaimo & Written by PMV Clapano

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig. 

Mga Taga-Galacia 5:13

Achieve ang ultimate dining experience mo whether sa high-end restaurant, fastfood chain, or small-scale carinderia kapag may quality ang service. ‘Yung tipong napakabait at warm ng servers, cashiers, and crew. Kaya sumasarap lalo ang kinakain mo dahil nakangiti sila habang nagse-serve sa ‘yo. Kahit nga hindi worth the price ang lasa ng pagkain kung minsan, basta worth the service, aalis ka ng busog at masaya. Kaya nakakainis kapag hindi excellent ang service nila, ‘di ba? Uuwi ka na parang hindi nabusog at mainit na rin ang ulo mo sa iba. Pero paano nga ba magiging burden-free ang pagse-serve sa iba? How can we do it with joy?

Sa Galatians 5:13, nire-remind tayo ni Paul to use our freedom to serve others in the spirit of love. Christ has set us free from sin and other burdens to be a blessing to others. It’s great to know that a person is helping you out of love rather than out of an obligation, ‘di ba? And it’s even greater to know kapag hindi lamang pera ang motivation ng pagse-serve sa iba. Hindi lang sa usapang food service, but God can also use us sa anumang paraan para sa ikabubuti ng lahat.

Ang motivation at model natin in serving others with joy, humility, and love ay si Jesus. Hinubad Niya ang pagiging Diyos, nagpakumbaba, at ipinangak Siya like a normal human being. But He remained obedient to God until His death on the cross to pay for our sins at ginawa Niya ito nang hindi nagrereklamo (Mga Taga-Filipos 2:5-8). Jesus Christ did it because He loves us. And now, He is empowering us with His love and grace para maglingkod sa kapwa nang buong puso and for His glory.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, gusto ko pong magkaroon ng totoong joy in serving others. Thank You for filling me with Your love and grace para makapag-serve ako in the spirit of love and with joy. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Sa tuwing may kailangan kang gawin para sa pamilya mo o ibang tao, remind yourself that God is filling you with His love and grace. He will enable you to serve with joy. Smile as you serve!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 3 =