24

AUGUST 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Jeaneth DP Panti

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama’y nakakasira ng magagandang ugali.”

1 Mga Taga-Corinto 15:33

Sa mga magkakaibigan, popular ngayon sa social media ang term na #squadgoals. Ang squad goals ay isang inspirational term na tumutukoy sa kung sino o anong klaseng pagkakaibigan ang gusto mo. This shows us na hindi tayo nabubuhay para sa sarili lang. Naghahanap at bumubuo tayo ng sarili nating squad, o mga kaibigan na makakaagapay sa buhay.

One way or another, malaki ang influence sa atin ng ating friends at iba pang ka-relationship. Kaya naman malinaw ang warning ng 1 Corinthians 15:33: “Huwag kayong paloloko. ‘Ang masasamang kasama’y nakakasira ng magagandang ugali.’” Kaya makakabuti kung magre-reflect tayo: Anong klaseng relationships ang bini-build mo? Sino o ano ang #squadgoals mo?

Let’s see kung paano pinili ni Jesus ang Kanyang squad. Oo, nagkaroon din si Jesus ng squad! Maaaring marami Siyang options, pero pumili lang siya ng 12 disciples na makakasama Niyang habang andito Siya sa earth at pag-iiwanan Niya ng Great Commission later on (Matthew 28:18-20). Out of the 12, pinili Niya si Peter, James, and John na nakasama Niya sa pananalangin noong mga huling oras Niya sa mundo. In the end, ipinagkatiwala naman Niya ang kanyang ina kay John.

It would be a wise decision kung ang ating squad ay makakatulong sa purpose na ibinigay sa atin ng Panginoon. At the same time, maganda na magamit din tayo ni Lord para matupad ang layunin Niya sa ating friends. At dahil we often become who we surround ourselves with, ask God to reveal to you those who are hindering you from reaching your purpose and goals in life. You may want to pray and ask God to keep you from relationships that hinder you from honoring Him—lalo’t kung ang pagkakaibigan ay nagto-tolerate ng immorality, lying, tsismis, o pananakit ng ibang tao.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan Ninyo akong maka-establish ng relationships that will honor You. Bigyan po Ninyo ako ng wisdom in dealing with my friends. May You surround me with people who will genuinely love me and bring out the best in me. Amen.

 

APPLICATION

Ilista ang pangalan ng iyong mga malalapit na kaibigan at isa-isa mo silang ipag-pray specifically.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 9 =