20

JANUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Precious Marian Calvario

Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon!”

Juan 21:7

Meron ka bang naging struggle na hindi mo inakalang malalagpasan mo? Kapag binalikan mo ang mga nangyari ay masasabi mong, “Kung ako lang, hindi ko ‘yun kaya,” dahil alam mong may divine intervention na naganap?

Magkakasama sina Peter, Thomas, Nathanael, James, John, at dalawa pang disciples ni Jesus nang magpasya si Peter na mangisda. Magdamag silang nangisda pero wala silang nahuli. Nang mag-madaling-araw, may nagtanong sa kanila, “Mga kaibigan, wala ba kayong nahuling isda?”

Sumagot sila, “‘Wala po.” At sinabi ng nagtanong, “Ihagis ninyo ang inyong net sa bandang kanan ng bangka at makakahuli kayo.” Inihulog nga nila ang lambat at nang hilahin nila ito ay hindi nila makayang iangat sa dami ng huli. Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon!”

Tulad ng mga disciples ni Jesus, you may be going through a period of uncertainty. Hindi ka sigurado about what to do next. Or maybe you are in a season na tahimik si Lord. How will you overcome your trial? Minsan ay napapatanong ka, “Nasaan Kayo, Lord?”

If you have trusted Jesus as your Lord and Savior, you can declare this truth for your present situation: “He refreshes my soul. He guides me along the right paths for his name’s sake. Even though I walk through the darkest valley, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me” (Psalm 23:3-4). Makakaasa kang kasama mo Siya. At kung hindi mo pa natatanggap si Jesus sa buhay mo, ask Him to be your Lord and Savior. Makakaasa ka na pagkatapos nito, makikita mo ang faithfulness ni God sa iyo at masasabi mong, “Si Lord ‘yun ah!”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat dahil You are faithful to Your promises and You are faithful to those who trust in You. Open my eyes para makita at maranasan ko ang Inyong presensya. Continue to guide me in the name of Jesus, through the power of the Holy Spirit.

APPLICATION

Recall both happy and difficult times in your life. Pray and ask the Holy Spirit to show and remind you how the Lord was faithful, present, and helped you come out of the difficult times. Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang katapatan sa buhay mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 13 =